Chapter 28: Demi

914 22 4
                                    

Demi

"Ano ba Zai Gabriel! Umakyat ka na at matulog para makatulog na rin kami!" Maktol ko. Pero di natitinag ang lasing na kumag!

Di ako makaalis. Isiniksik niya kasi ang mukha sa leeg ko at mahigpit niyang yakap ang aking bewang. Nasa sofa kami at nasa kabilang sofa naman sina kuya Jesther at Sozzy. Naghihintay kaming tatlo na tumayo si Zai Gabriel pero mukhang wala siyang balak. Pahirap!

"We'll go upstairs if you let me sleep on your bed and cuddle you, sweetheart," boses lasing pa nitong ungot.

"Payagan mo na lang, Dede. Sa villa ko na lang si Sozzy patutulogin," ani kuya Jesther na parang ang dali lang sa akin ang magkatabi kami ni Zai Gabriel sa kama. Nilingon ko sila. Halatang inaantok na si Sozzy.

I really have no choice. Kapag kay Zai Gabriel talaga talo ako!

Tumango ako kay kuya bago tinapik ng marahan ang pisnge ni Zai Gabriel. "Tumayo ka na." Umiling lang ito at isiniksik pang muli ang sarili sa akin.

"Zai Gabriel! Sa kwarto ka na nga namin matutulog. Kaya tayo ka na! Hindi kita kayang alalayan mag-isa paakyat!" I pushed him at dahil lasing siya ay natulak ko pero hindi iyon naging sapat para dumantay ang likod niya sa couch. Napaatras lamang siya ng kaunti.

"Malakas talaga ang tama, ano? Hindi sa alak kundi sayo, Dem. Bakit kasi hindi na-"

"Sozzy!" Pinandilatan ko ito ng mga mata para tumigil.

"Wala bang namumuong feelings para kay Zai, Dede?" Lumabi ako.

"Stop the interrogation both of you! Tara na nga kuya. Tulongan mo na akong e-akyat itong kumag na 'to," sabi ko at sinubokang tumayo.

"Zai Gabriel, tara na!" Nagdilat siya ng mga mata at tinitigan ako saka ngumisi.

"Tara."

Imbis na siya ang itayo ko ay ako ang itinayo niya kaya tuloy ay natumba kami sa sofa. Hinampas ko nga sa dibdib sa inis ko. Inalalayan na lang kami ni kuya Jesther paakyat.

Nagtaka ako ng wala si Yhastine sa kabilang kama pagpasok namin ng kwartong inilaan para sa amin nina Sozzy, Chelsea at Yhastine. Inilapag na muna namin si Zai Gabriel sa kama namin ni Sozzy. Kahit hinihila na ako pahiga ni Zai Gabriel sa kanyang tabi ay hindi ako nagpadala. Nagmatigas ako kahit pa umungol siya ng protesta.

"Si Yhastine bakit wala pa?" Tanong ko sa dalawa at pinilit haklitin ang kamay ko na hawak ni Zai Gabriel.

Dapat ay nandito na si Yhastine para may kasama akong babae rito hindi yung kami lang nitong pinsan niya. Tumayo ako at tumungo sa paanan ni Zai Gabriel. Tinanggal ko ang kanyang mga sapatos kasama ang kanyang mga medyas.

"Mamaya pa siguro 'yon matutulog, Dede. I saw her with Jennifer, Trina and Isabelle at the seaside. She's practicing fire dance with them. The rest of our comrades is still hanging out too," sagot ni kuya Jesther.

I left with only Zai Gabriel, tsk! I sat down near his foot and face them again. Sozzy is already leaning at Kuya Jesther's shoulder, lethargic.

"Bakit hindi na lang kayo dito matulog kuya?"

"Paano si Yhastine?" Oo nga pala. I sigh.

"Sige na Kuya... Sozzy is lethargic and she needs to rest."

Tipid pa ring ngumiti si Sozzy sa akin kahit pagod at inaantok na ito.

"O sige, De. Hindi naman kami pwede dito o si Sozzy kasi wala ngang matutulogan si Yhastine. Doon na lang muna kami sa villa ko. Pano, alis na kami," ani Kuya Jesther. Tumango ako bilang sagot saka niya inalalayan na palabas si Sozzy.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon