Chapter 27: Demi

919 27 2
                                    

Demi

Saktong pagdating namin ni Slate ng bar ay sinalubong kami ni Harley at Lexus sa labas. At ng makita ako ni Sozzy mula sa kanilang table ay agad niya akong sinalubong at hinila pabalik papunta sa kanilang table. Good that Zai Gabriel is not with them. Saktong nasa byahe kami kanina pabalik ng rest house ng magtext si Lexus kay Slate at sinabi nitong papunta na siya at ng iba pa naming kasama sa bar. Ti-next na lang nito ang address kay Slate para sumunod na lang kami. Mabuti na rin at nataong pauwi na kami ng rest house pag-text ni Lexus para makapagbihis na rin. Ten pm na ngayon. Natagalan kami kanina ni Slate dahil naaliw kami sa pamimili at pamamasyal kaya ginabi kami ng uwi. Isama pa ang tinagal ng byahe namin.

"Hoy babae, saan kayo galing ni Slate at ngayon lang kayo nagpakita ulit?" May pagdududa sa tanong ni Sozzy ng naupo kami sa sofa.

"May ka-meeting siya kanina sa mall malapit dito, business matters. Sumama ako sa kanya at alam mo kung ano ang dahilan ko, Sozzy. Namili rin ako ng souvenirs para sa akin at pasalubong na rin para kay Leena. May binili rin ako para sayo." Ngumiti ako rito.

"Leena Jian... Yung kapatid ba ni Jes?" Tumayo siya at inabot ang classic martini nito sa mesa. She offered me one but I prefer wine. Kaya nagsalin na lang siya ng red wine sa bakanting shot glass at binigay sa akin.

"Yup, siya nga. Si Leena Jian, ang pasaway kong best friend." Ani ko at sumimsim sa laman ng baso. "You never told me before about you and kuya Jesther. Magkaibigan tayo pero wala man lang tayong alam sa stories ng bawat-isa. And when you got that?" Nginuso ko ang nasa daliri nito. It's a one-of-a-kind diamond ring with a six-prong setting. That's too expensive. At wala iyan kaninang hapon sa kamay niya.

"Jes proposed to me this afternoon at the beach while you're with Slate. I was so surprised. Two months ago he bought this ring outside country. Balak niya talagang mag propose na sa akin kapag nag-bati na kami. Hindi na raw siya magpapalagpas pa ng pagkakataon. Talagang nanghinayang siya at nagsisisi sa naging kasalanan sa akin." Hindi lumagpas sa paningin ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. She's really happy being engaged with kuya Jesther at masaya ako para sa kanya. "Sorry for not telling you about Jes, Dem. We've been in relationship for only three months. Two months ago ay nabisto ko siya with a girl on his top. They supposed to be having sex... same day with our third months." Humina ang boses niya doon at uminom sa kanyang shot glass.

Kumunot ang noo ko. "Kung ganun bakit mo siya pinatawad pa?"

"Naalala mo noong nag-party tayo at inumaga ako ng uwi sa rest house at saktong gising ka pa?" Tumango ako at nilapag ang baso sa mesa. Kinuha nito ang dalawang palad ko at pinisil. "He got jealous of me dirty dancing with Quinn that night. He pulled me until we reach his villa and Jes..." Lumunok ito at nagyuko. "H-he tried to rape me-"

"What!"

"Hey, let me finish first." Nahihiya pa niyang sabi at mariing pumikit. "Lumaban ako. Natauhan naman siya kaya di niya tinuloy." Bumuntong-hininga ako at naghintay pa ng sasabihin niya.

Tumikhim siya bago nag-patuloy. "But demi, may nangyari pa rin..."

"Pinilit ka niya ulit?" Kunot noo kong tanong.

"G-ginusto naming pareho."

"Oh my..." Tumikhim ako. "Buntis ka?"

"Ano ka ba! Syempre hindi."

Kinurot ko siya sa tagiliran na nagpangiti lang rito. "Abay ako, ha."

"Syempre. Kayo ni Leena." Ngumiti ito at bigla akong kinabig para sa mahigpit na yakap.

"I'm happy for the both of you, Sozzy. Congrats."

"I'm getting jealous here." Boses ni kuya Jesther sa likuran ko.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon