Chapter 21: Sozzy

894 26 1
                                    

Sozzy

SPG Alert!

Lumayo ako sa rest house at tumungo sa tabing dagat. Inaliw ko na lang ang sarili sa paglalakad sa buhangin. Mas mabuti itong malayo ako kay Jesther. Mas mabuting hindi ko siya nakikita at di ko alam ang pinaggagawa niya.

Tinanggal ko ang soot kong flip flops at pinagtabi upang maupuan. Tama lang ang layo ko mula sa rest house. Tahimik ang paligid maging ang mga dumadaan. Ang dagat ay sinasalamin ang langit na puno ng mga bituin at bilogang buwan. Inilibot ko ang paningin. Tama ang hinala ko, may mga nag e-star gazing na magkaparis. Parang kami lang din noon ni Jesther sa bahay nila. Noong una niya akong dinala sa kanila at pinakilala sa mommy at kapatid niya. Naisipan naming mag-star gazing noon. Naglatag lang kami ng tela sa may likod bahay nila. Nasa mga bisig niya ako at aliw na aliw sa panunood ng bituin. Siya ay hinihintay kung may dadaang eroplano o may falling star hanggang sa nakatulogan na namin iyon.

Simple lang ang naging relasyon namin at para sa akin ay iyon na ang pinaka-romantic na relasyong meron ako. Pareho kami ng trip at di pa nangyari ang nag-away kami. Not until I saw him naked on top of his bed with a certain slut!

Minsan ko ng nakita ang babaeng iyon at sa minsang 'yon ay gustong-gusto ko itong iuntog, ingodngod, at itulak saka hahawakan sa buhok sabay hila kahit pa nakadapa na ito sa sahig. Pero naisip ko rin na, she's just a slut so why bother myself for nothing but just a fucking slut? Hindi ko dapat e-level ang sarili ko sa katulad niya. Isa pa kasalanan rin ni Jesther. Siya itong lalaki at matindi ang pangangailangan.

"Nandito ka lang pala." Malamig na boses ang pumukaw sa pag-iisip ko.

Nilingon ko si Zai na kasalukuyang umuupo sa gilid ko. Ngumiti siya at tumingala.

"Tinatakasan mo si Jesther kaya ka nandito ngayon, tama ba?" Seryuso nitong tanong. Nasa dagat ang kanyang atensyon.

Mabigat ang ginawa kong pagpakawala ng hangin. "Hindi sa tumatakas ako, Zai. Ayaw ko lang na nasa malapit lang siya-"

"And dancing with the other girls?" Seryuso ang kanyang emosyon ng lingunin ko.

Ang tanong na 'yan ang dahilan kung ba't ako nandito sa tabing dagat na 'to. Hindi ko iyon pweding ikaila. Hindi ko siya sinagot. Nanatili ang tingin ko sa nilalaro kong buhangin. Kung anu-ano na lang ang iginuguhit ko habang nag-iisip. Kung oo ang isasagot ko, parang inamin ko na rin na mayroon pa akong nararamdaman kay Jesther. No... The right term is I still love him. Kapag naman hindi ang isasagot ko, alam kong hindi niya ako paniniwalaan. Dahil alam kong nakita niyang nasa iisang table kami ni Jesther kanina.

"I understand... Mahirap talagang mag-move on." Nilingon niya ako at ngumiti. Umusog siya at nilapit ang balikat ko sa balikat niya upang ipatong doon ang aking ulo.

Gumaan ang pakiramdam ko. Kahit na wala akong sabihin alam kong naiintindihan ni Zai Gabriel ang nararamdaman ko. Hinahaplos at marahan niyang tinatapik ang aking balikat. I felt safe with it. Kung naging lalaki ka lang sana Zai Gabriel. Maraming matutuwa na ganito ka kaconcern. Teka... Speaking of pagiging lalaki, yung tungkol nga pala sa pinag-usapan namin kanina. May sasabihin dapat siya kung walang dumating na asungot!

"Mahal ka pa rin niya, Sozzy." Tiningala ko siya dahil sa sinabi niya. Di niya ako tiningnan pero nanatili akong nakatitig sa kanya.

Hinintay ko kung may sasabihin pa siya pero walang dumating. Seryuso lang siyang tumitig sa dagat. "How did you know? Sinasabi mo lang 'yan dahil kaibigan mo siya-"

"He's Lexus friend. Not mine." Pagtatama niya.

Umalis ako sa kanyang bisig pero nanatili pa rin ang paningin ko sa kanya. "Kung ganun paano mo nasabing mahal ako ni Jesther? Ni hindi mo pa nga siya kilala. Di mo alam ang ginawa niya. Wala ka noong sinaktan niya ako. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan, Zai." At hanggang ngayon nasasaktan parin ako!

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon