Chapter 23: Chelsea

941 29 4
                                    

Chelsea

"Ano sasama ka?" Pukaw ni Theo sa malalim kong pag-iisip. Nagyayaya siyang mamangka kami. Namamangka kasi ang ilang kasama namin. Kasalukoyan silang nasa dagat at malayo-layo na rin ang iba.

Matamlay akong umiling. "Ikaw na lang, Theo."

Umayos ako ng upo sa buhangin. Niyuko kong muli ang ginagawa kong sand castle na wala pa ring itsura. Parang burol lang ito na tinambakan pang lalo ng basang buhangin.

Hindi na rin siya namilit pa. Sumama na siya kina Trina sa bangka. Siguro ay nagpasya siyang iwan na muna ako dahil naiintindihan niya. Siguro ay nauunawaan niya rin ako matapos kong ikwento lahat ng nararamdaman ko para kay Zai Gabriel. Kailangan ko muna ang ganito. Ang mapag-isa matapos masaksihan ang sa cottage kagabi.

"Mag-isa ka... Ayaw mong mamangka?"

"What the hell!" Inis kong sambit sa mahinang boses. Ayaw bang ibigay sa akin ang katahimikan?

Nakikita ng kaliwa kong mata ang kanyang bulto. Nasa bandang kaliwa ko siya at naupo!

Sa sand castle pa rin ako nakatutok pero wala doon ang konsentrasyon ko. Pinakiramdaman ko ang sarili kung may galit bang nabuo mula kagabi. But there's nothing. Wala akong nararamdamang galit para kay Demi pero selos, oo meron.

"Si Zai?" Tanging katagang nasabi ko.

"H-Ha?"

"Hindi mo siya kasama?" Nilingon ko siya at mukhang namumutla. Anong dahilan naman kaya ang meron siya para mamutla?

"Eh... H-hindi ko siya nakita mula pag-gising ko." Mahinang sagot niya at yumuko.

"Can we talk?" Tila may umihip sa aking batok at nakaramdam ako ng kilabot. Sa likod ko nanggaling ang boses. At boses pa lang ay iba na ang dating nito sa akin. Oh God, slap me now!

I know... Hindi ako ang sadya niya! He's not asking me. This girl beside me maybe, this Demi, was the person he wanted to talk with! Kumikirot lang ang puso ko sa mga nangyayari! Pati mga mata ko gusto na yatang sumunod sa tuwing nakikita ko silang magkasama. Kaya dapat na akong umalis ngayon din. Para bigyan sila ng pagkakataong mag-usap.

Tumayo na ako ay tumayo rin si Demi. Nilingon ko siya dahil doon at di ko maitatago ang sakit. Lumakad ako palayo pero rinig parin ang mga katagang binitawan ni Zai Gabriel.

"It's about us. Please... Let's talk." Mahinahon at malinaw pa doon ang pakiusap niya.

Mas kumirot lang ang dibdib ko. Lumabo na rin ang paningin ko dahil sa mga luhang namuo. Sa di malamang dahilan o marahil ay sa katangahan at paninikil sa sarili ay huminto sa paghakbang ang mga paa ko. Mukhang gusto rin ng tenga kong marinig ang pag-uusapan nila. Nanatili ang kirot sa puso ko at gumilid na rin ang mga luha sa gilid ng mga mata ko. Mabilis ko itong pinahid at piniling manatili.

It was just a damn kiss! Hindi ba dapat ay lumaban pa rin ako? Na dapat ay ipaglaban ko pa rin ang nararamdaman ko? Malala pa nga sa halik ang nagawa ko! Kung mahal ko siya... Mahal ko siya! Kaya dapat na may gawin pa rin ako! Noon hindi ko inisip na maling ipag-laban siya. Ngayon pa ba? Ngayon pa ba ako susuko? Maaaring naghalikan sila at hindi porket nakita ko sila na naghalikan ay susuko na lang ako basta-basta. I shouldn't stop fighting for us!

"Demi!" Sakto paglingon ko ay napatitig ako sa kamay ni Zai na dumapo sa siko ni Demi!

"Shit! Dito pa ba talaga kayo mag-uusap? Kung saan naririnig ko?" Umiling-iling pa ako at niyakap ang sarili. Nakapaskil rin ang ngiting naiirita sa aking labi."Anyway, okay lang naman. Mabuti nga iyon at maririnig ko ang pag-uusapan niyo."

"Doon tayo sa-"

"Why not here, Zai Gabriel? Kailangan sekreto? Oh c'mon... I've seen you! Kayong dalawa! Anong dapat itago? Ano ba ang 'di ko dapat marinig? Total sa public place niyo naman ginawa bakit hindi rin sa public place ninyo pag-usapan?" Damn! Mabilis ang paghinga ko dahil sa galit.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon