Chapter 32: SPG

3.3K 29 2
                                    

Mahal niya ako? Eh, bakit wala siya sa graduation ko? Bakit wala siya sa party? Bakit wala pa rin siyang paramdam! Ano pinaibig lang niya ako tapos iiwan sa ere? Damn you, Gabriel!

Tinungga kong muli ang laman ng shot glass ko at nag-salin pa ng tequila. Binaliwala ko ulit ang pait at init na dumausdos patungong sikmura ko gawa ng inumin. Dito ko sisimulan ang pag-limot ko kay Zai Gabriel. Kahit ngayon lang, iinom ako. Total ay party ko rin naman 'to.

Pinili ko kasing mapag-isa at piniling uminom na lang kaysa sumayaw kasama nila sa dance floor ngayon. Kasalukoyan akong nasa bar kasama ang mga kaklase ko. Sila nagsasaya habang ako naman nagluluksa.

"Ngayon dapat kita sasagutin, eh!" Uminom ulit ako. I don't care kung mapait. I promise, pagkatapos nito hindi na ako iinom pa. Ngayon lang... Ngayon lang 'to dahil gusto kong kalimotan lahat ng pinadama ni Zai Gabriel sa akin... Pinaibig ako pagkatapos ay sinaktan! Bullshit!

God! Sana hindi ko na lang siya binigyan ng chance! Para hindi ako ganito ngayon!

Wait... Napadilat ako at natoon ang mata sa bar counter.

"Zai Gabriel?" Tumayo ako pero muli ring naupo ng mapansing hindi siya nag-iisa. He's with another woman!

Hindi ko man makita ang mukha ng babae ay sigurado akong si Chelsea iyon. Sino pa ba? Sino pa ba ang babaeng pwede niyang kasama ngayon? Fiancée niya lang!

"Dem, okay ka lang?" Ani Charlotte na classmate namin ni Leena. Tumango ako sa kanya at tipid na ngumiti. "You sure? Umiiyak ka." What?

Agad kong kinapa ang pisngi ko... And damn! Wala naman. Tiningnan ko ulit si Charlotte pero umiwas naman ito at iniwanan ako ng isang pilyong ngiti. Tsk!

Uminom pa ako ng uminom hanggang sa nahilo na ako at tumigil. Sumandal ako sa mahabang couch at nag-isip pero si Chelsea at si Zai Gabriel pa rin ang pumapasok sa isipan ko! Hell! I need to divert my thinking! Isasayaw ko na lang 'to imbis na mag-mokmok dito at isipin sila!

"Sweetheart? What are you doing here? Hey... Are you ok? Lasing ka?"

God! It's blury! Damn it bakit dito ako dinala ng mga paa ko? Pumiksi ako ng hawakan niya ako sa bewang pero natalisod naman ako. Buti na lang ay maagap ang hinayupak!

"I'm okay... And please, take your hand off me!" Sinadya kong diinan ang huling salita.

"No! Sino bang kasama mo? Mag-isa ka-"

"Oh please... Patahimikin mo na ako! I'm really okay without you! So please, let go of me now. Pupuntahan ko lang ang b-friend ko-"

"Who!" Gosh my vission is blurd. Ang lakas pala ng tama nung ininom ko. "Boyfriend? Isang linggo pa lang ang nakalipas may boyfriend ka na? Wow! Ang bilis. At dito pa kayo magde-date?"

What is he talking? It's making my head ache! Best friend ko lang ang pupuntahan ko, si Leena Jian. "Shut-up!" Nakakarindi! Tinulak ko siya pero kulang ako sa lakas. "Sakit ka sa ulo ko, Gabriel!"

Pumiksi ulit ako pero bigla namang humigpit ang hawak niya at para akong inaalog ng hilahin niya ako sa kung saan. Damn it! Nahihilo ako.

"Yuko!"

"What? Why?" Nagtataka kong tanong at sinapo ang aking ulo. Kinuha naman niya ang clutch bag ko sa akin saka ako hinawakan sa braso at niyuko ang aking ulo sabay tinulak ng marahan. Naka-alalay pa rin siya.

Kumurap-kurap ako at doon ko lang napagtanto na pinapapasok pala niya ako sa kanyang sasakyan. The next thing I heard is the loud bang and I guess that was his car's door. At nag-echo pa rin sa tenga ko ang ginawa niyang pagbagsak ng pintoan. Ano bang problema nito?

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon