Chapter 9: Sozzy

1.4K 36 2
                                    

Sozzy

Huling bagsak ng malamig na tubig galing sa shower at in-off ko na ito. Inabot ko ang dalawang towel na nakasabit sa rack. Tinapis ko sa katawan ang isa at ang isa ay pinampunas sa buhok ko saka lumabas.

Sa laptop na nakapatong sa kama ako dumiretso. Binasa at pinagtuonan muli ang mga status sa aking news feed. I scrolled down at nakuha ng iisang status ang paningin ko, my cousin's.

Zackarina Ellaine Aquino:

Hindi siya hahanap ng iba kung mahal niya ako.

<\3

#feeling_stupid

That's hers. "Naglipana na ang mga broken hearted." I tsked. Mana-mana nga naman. I clicked the comment box to share advice.

"You know what Zell, kulang ka sa practice. Sana ganito ang post mo. (Kinulang ba ang collection mo? Gusto mo dagdagan ko? Ano barado ba? Wala kang mapaputokan?) tapos etag mo!" Inulit ko pang basahin iyon bago tuloyang pinindot ang enter. Bastos man ay wala akong pakialam. Sa humuhugot ako, eh.

"If you liked to, I can manage to mention him here for you." Ngumingisi ako na tina-type iyon. Di nagtagal nag pop out ang kanyang personal message.

Zackarina Ellaine Aquino: Ayan ka na naman. Humuhugot, teh? I have a plan to do that's why I posted that trashy! Kita mo nilike niya. I'm just letting him assume cousin. Na I love him kaya ako nagkakaganito.

I knew it! She's now wearing that grin again. Evil-minded Zell. Ano na naman kaya ang balak nito? Tuso talaga. Nag over view pa ako sa mga drama post niya. She's right. Ni-like nga ng boyfriend niya halos lahat ng emote niya sa sariling wall. I also read the comments at the comment box below. Nakaw attention ang isang comment ng tingin ko ay poser, kitang-kita sa profile picture.

Christian Grey: Be my Anastasia.

Ano 'yon? Efi-fifty shades niya ang pinsan ko? As if gugustohin ni Zell. Zell knew that posers are made to hide their real identity because of the two reasons I know. One is for ruining someone's life and two is they're lack of confidence to show the world their real faces. Ashamed and afraid, that's why they hid their own identity at the images of good looking persons. Dapat kung hiyang-hiya sila sa mukha nila ay di na dapat sila lumalabas ng bahay. May point is, be you. No matter what you are.

Zackarina Ellaine Aquino: I'll make him believe the worse. That I' am really broken and was madly in love with him which is not true, cousin. Don't spoil the fun, okay. That effen jerk deserves to be humiliated later. Akala mo kung sino nang kagwapohan to die for! Naaawa ako don sa pangalawa, duh... Nauna pang magdrama!

Nangingiti akong nag type ng pagsuporta. Pigilan siya? Wherefore? I don't put a piece of care if I'm too much for being bitter.

"Push it until you reach the gutter point, dear cousin." Pinaulanan ko siya ng emoticon. Naglalarawan ng naiiyak ako sa tuwa at excitement sa kanyang binabalak.

Nagkwentohan pa kami sa chat box. Sabi niya gumawa siya ng banner ng kabulastogan ng kanyang ex boyfriend. Ikakabit iyon ng kanyang mga kasabwat at sinuholan malapit sa entrance ng kanilang school. Ilan sa mga kasabwat niya ay sinaktan din ng kanyang boyfriend noon. Good thing hindi siya nag-iisa. May mga flyers ding nakahanda. Flyers ng kabulastogan kalakip ang picture ng kanyang ex. How I wish she won't be kicked out because of her bitchy plan. But still there's this bugging me. That she would be sent to Guidance Councilor's office in such thing, her playful scheme. I wish it won't be happen.

Nag log out na ako sa facebook at nag-simula ng mag-ayos ng sarili. Pinili kong isuot ang fitted long-sleeved top at pinarisan ng high waste blue short.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon