Chapter 12: Chelsea

955 28 4
                                    

Chelsea

SPG alert!

Nakatitig lang ako sa kisame simula ng magising ako kaninang alas-kuwatro. Panay isip ko lang kay Zai Gabriel at iyon na rin ang kinatulogan ko. Pati ngayon siya parin ang laman ng isip ko. Halos dalawang oras na rin ang lumipas. Gabi na ay nakahilata pa rin ako sa kama. Ang tanging laman ng isip ko ay ang sagotan namin kahapon at pati na ang parte na nasa pool kami. Pagkatapos kong yakapin si Zai Gabriel noon ay pumasok na siya sa loob ng bahay. Ako naman ay nanatili lang doon. Naninibugho sa maraming dahilan.

Masakit 'di ba? Dapat lang 'yang iparanas sa mga tangang linta katulad mo! Hindi ka kasi natuto simula umpisa. Kaya ngayon natambakan ka na ng sakit. Wear your mind! Saan mo ba kasi nahulog iyon at di mo soot sa ulo ngayon? Kuntra ng anino sa imahenasyon ko.

"Kahit naman suot ko yung utak ko ang buong pagkatao parin naman ni Zai Gabriel ang laman ng mga files sa memory card non." Kailangan ko na yatang kumunsulta sa psychiatrist o mas mainam kung sa cardiologist.

Saglit akong bumuntong hininga at dalawang beses na gumulong-gulong sa kama. Paghinto ko ay ang alaala naman ng kaarawan ni Yhastine na kapatid ni Quinn ang pumasok sa isip ko. That was six months ago. Pool party iyon at sa bahay nila Quinn ginanap.

I was invited by Quinn that night. Ni hindi ko rin pinlano ang nangyari noon. I drink maybe ten or more shots of alcohol and got drunk. Ang gusto ko lang noon ay ang kausapin si Zai Gabriel kaya ko siya sinundan. Hindi ko alam na sa kwarto na niya pala siya tutungo. Sinundan ko parin siya.

"Hi." Bati ko saktong paglingon niya.

"Hey. Nasa kabila yung inihandang guest room, Chelsea." Tumawa siya. "You're drunk too to unfamiliarized the rooms."

"I think I'm in the right room. Uhm... Zai... I badly want to talk to you so I followed you 'til here." Pinilit kong binuo ang salaysay ko.

"For what then? Can we talk about it tomorrow? I'm tired and sleepy, Chelsea. I want to rest now." Ngumiti siya at pabagsak na nahiga sa kama sa kanyang likoran.

Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa dibdib. "Hey ang daya mo. Tutulogan mo ako?"

"Zai Gabriel..." Ginising ko siya pero di na siya sumagot. Nilapitan ko pa siyang lalo upang tingnan kung naidlip na ba siya. Mukha nga.

"I love you. That's all I wanted you to know, Zai." I whispered to his ear and give him little kisses on his parted lips.

Kunot-noong dumilat ito. "What are you doing?"

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon