Chapter 4: Demi

2K 34 1
                                    

Demi

Dinig ko pa ang halakhak ni Zai kahit papalayo na ako sa pinanggalingang office. Huminto lang ako sa pagtakbo nang tuloyan ng makalayo roon. A lot of questions hit me. Hindi ko alam kung alin ang sasagutin at kung ano ang isasagot. There's something wrong with Zai Gabriel's personality. One certain gay wouldn't do the move he does a while ago. Those shitty move can't be done by just a gay!

Hanggang ngayon ay kinikilabotan ako sa pinadama ni Zai Gabriel sa'kin. Nararamdaman ko parin siya sa katawan ko, damn! Iniwanan pa talaga ako ng kiss mark! Lagot talaga ako nito kay kuya, kay papa at sa kay Leena. Kailangan ko yatang magsuot ng turtle neck dress bukas. Walang 'yang bakla 'yon! Nilalagyan din siguro niya ng kiss mark ang mga kaulayaw na lalaki, yuck! Akala ko walang experience ang mga baklang katulad niya sa pang-aakit ng babae. Pero yung kanina? Ngayon pa lang ay kinakabahan na ako sa mga posible pang mangyari. Pero dapat ay hindi ako magpatalo sa kanya kung sakaling may binabalak man siya.

"Oy Demi!" Tawag ng familiar na boses na ikinagulat ko. Kay Sozzy iyon.

Nilingon ko siya at mula sa kinauupuan niya ay lihim kong sinukat ang layo namin, three meters away if not mismeasured. Hindi naman kaya siya nag paka-invisible niyan kaya hindi ko nakita at nilampasan ko? O hindi naman kaya masyado lang talagang preoccupied ni Zai Gabriel ang pag-iisip ko? Tumayo siya at binaybay ang aming distansya.

"Ayos ka lang? Kanina pa ako nakaupo roon at sinisitsitan ka pero blangko yata ang aura mo." Anyang sa mukha ko natoon. Klaro ang pagtataka sa maganda nitong mukha habang tinititigan ako. What happened to me seems transparent in her views. But, there's a way to deny what she's seeing on my face, I know how.

Malambing akong ngumiti. "Ah, oo Sozzy ayos lang ako." Inayos ko ang tinig upang hindi niya mahalata ang kaba na malapit na rin namang mawala sa dibdib ko.

"Hindi nga? May ginawa ba si Zai sayo?" Giit niya at kumunot pa ang noo. Hindi pa rin ito kumbinsido ngunit nanaig ang disgusto kong sabihin ang naganap sa office. It's my problem to think of, not to share for. Pero bigla ay natoon ang atensyon nito sa leeg ko at napasinghap. Maging ako ay napasinghap rin at agarang tinakpan ang parte ng leeg na minulestya ng baklang Zai na 'yon.

"What did he do to you, Demi?"

"Wala. Ayos lang talaga ako. Teka, bakit ka nga pala nandito?" Change the topic if someone pushes it to you or better do the other one, sugarcoat kung ginigisa ka na. Sana naman tumalab.

"Dahil dito." Pakita niya sa folder na katulad rin ng hawak ko. Kung ganun kabilang siya sa mission. "Eh, ikaw bakit nandito ka rin? At bakit ganyan ka na paglabas ng office na 'yon? Anong ginawa ng baklang 'yon sayo? God! That's a kiss mark!" Sabay turo sa leeg ko.

Napayuko ako. Wala na talaga akong rason para itago pa sa kanya. Ekinwento ko na lang. "Pano kasi binastos-bastos pa niya ako 'yon tuloy naubos niya yung pasensya ko. Sinampal ko siya ng folder and I even punched him on the face. Nagawa ko pang sirain ang damit niya at pati necklace. Ginantihan niya naman ako. Kaya itong kiss mark ang napala ko. Buti na lang at naitulak ko siya."

"My goodness, Dem. Bakla ba talaga 'yon?"

"Basta ang alam ko bakla 'yon. Hindi naman ipinanganak si Zai Gabriel noong hindi pa uso kahit ang radyo 'di ba? Siguro yung ginawa niya kanina ay nagawa na talaga niya sa mga lalaki niya. That was his trick para umayaw ako sa mission. And he got me alarmed."

"Mission? Yung Mission: Make Him Straight rin ba? You mean dalawa tayo vs. Zai Gabriel?" Bigla niyang tanong at hinawi pa ang bangs na tumabing sa mata niya.

Tumango ako. "Yup. At may dalawa pa kaya apat tayo vs. Zai Gabriel. Pero iba-iba lang ng schedule." Nagsimula na akong maglakad na sinabayan niya.

Apat, iyon ang narinig ko kanina mula kay Zai Gabriel habang kausap nito si Miss Cindy sa cellphone. Kaya ganoon na lamang siguro ang reaksyon nito ng dumating ako. Kaya ganoon na lang ito kagalit. Natyempo pang ako ang sumunod nitong nakaharap. I wonder if it was Sozzy. Gagawin rin kaya niya iyon sa kaibigan ko? Nako ang baklang 'yon talaga!

"Ang yaman pala ng baklang 'yon. Hindi kaya biro ang magpakawala ng forty thousand sa apat na tao kada araw... I mean just an hour right?" Anyang nangungunot ang noo.

"Disperada na raw kasi yung lola niya. Siguro ayaw nitong may bakla sa pamilya." Seryuso kong paliwanag.

"If I were his grandmother I won't do the same thing. Hahayaan ko na lang na may apo akong bakla. Mahirap kumita ng pera, ano. Paano kung pumalpak tayo?"

"Ang importante ay ginawa natin ang makakaya natin." Mabilis na kumawala sa bibig ko.

Buong-buo at desidido pa rin ako sa kabila ng nangyari sa office kanina. Kahit na simula pa lang ay marami ng gumugulo sa'kin. Hindi naman kasi pweding susuko na lang ako kaagad. There's no harm in trying, I know. At least I tried before I give up.

"Excuse me, alam niyo ba kung saan dito banda ang office ni Zai Gabriel?" Natigil kami. Isang maputi at sexy'ng babae ang lumapit sa amin. Naka-itim at maiksing palda ito at body shaped white long sleeve. Pinarisan niya ito ng red stiletto. She's beautiful.

"Dumiretso ka lang. Iyang dulo nitong hallway ang office niya." Turo ni Sozzy sa pinanggalingan naming office.

"Thank you." Sabi nito at tumalikod.

"Malamang ay isa rin iyon sa na-hire. Sino kaya ang pang-apat?" Saad ni Sozzy. Nag kibit-balikat na lang ako dahil wala akong idea kung sino. Pag si Leena nako lagot 'yon kay kuya Jasper.

"Nga pala bakit hindi ko na ma-contact yung number mo?" Pagbabalik ko ng usapan. Nag patuloy kami sa pag-lakad.

"Ah...nawala kasi yung phone ko."

"Ganun ba." Sabi ko at pinagmasdan ang expression ng kanyang mukha.

Mula kasi noong nag-tapos siya ng high school di ko na siya na-contact pa. Sa school na pinapasokan ko din siya nag-aral. Grade 11 ako noon samantalang siya ay one month na lang ang nalalabi ga-graduate na sa huling taon niya sa senior high.

Accidentally lang ang pagiging magkaibigan namin. Kalalabas ko lang ng bar noon mula sa isang gig kasama ang dalawa kong pinsan at dalawa pa nilang kasamahan sa banda. Hindi ako parte ng banda pero tinupad ko lang ang kahilingan nina Rexis at Arcell na samahan ko ang huli sa pagkanta dahil puro sila lalaki sa kanilang banda at wala ni isang babae na pweding kumanta ng ni-request ng may-ari ng bar para sa birthday nito. 'If I were a boy' ang ni-request na kakantahin ng banda. Kailangan kasi ni Arcell ng babaeng kaduet.

So, ayon nga pagkatapos namin sa gig at lumabas na ng bar ay si Sozzy at isang lalaking manyak ang nakasalubong namin. Niligtas ko si Sozzy dahil hindi siya nilulubayan nung lalaki. Mapilit iyong lalaki at isa pa ay lasing si Sozzy noon. Mabuti na lang ay dumating kami kung hindi ay kung saan na siguro siya dinala ng manyak na 'yon. Nagpanggap akong kaibigan niya at si Arcell naman di nakatiis sinuntok yung lalaki at nagkunwaring boyfriend na tinataboy ang nangmamanyak sa kanyang girlfriend.

Matapos namin siyang ipagtanggol noon ay hindi naman namin siya maihatid sa kanila. Dahil hindi namin siya makausap ng maayos. Dinala ko na lang siya sa apartment ko. Doon nagsimula ang pagkakaibigan namin at nataong pareho rin kami ng paaralan na pinapasokan.

"E-text mo ako, ha. Baka mamaya di ka na naman magpaparamdam." Ngumiti lang ito at tumango.

Sa labas ay tanaw namin ang nakangiting guard. Hinila nito ang glass door's handle para sa paglabas namin.

"Saan ka nga pala uuwi? Tara hatid na kita." Alok nito pagkalabas namin.

"Doon pa rin sa apartment na tinutuloyan ko malapit sa school." Sagot ko. "Salamat, a."

"No prob." Ngiti niya at sumakay na kami sa kanyang ford at pinagpatuloy ang kwentohan habang hawak niya ang manibela.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon