Chapter 7: Demi

1.4K 32 3
                                    

Demi

SPG alert!

Isinara ko ang gate pagkalabas ng apartment at pinara ang paparating na taxi. Agad ko ring sinabi sa driver ang address nina Zai Gabriel kung saan ako bababa. Kanina na rin sinasalakay ng kaba itong dibdib ko. Nagpakawala na lamang ako ng hangin kasabay ng pag-andar ng sasakyan. There's a lot of question bothers me. What if I go beyond my limitations? What if I'd break my own walls for the sake of Zai Gabriel's change? I'm on cue at mahirap ng makaalis. If these could be possible, should I accept the reality whenever I gave up my forbidden treasure for the sake of money? Will I uphold into that kind of uncertainty? Sa misyong ito isinuko ko na ang pride ko. Hindi ko maaatim na pati ang puri ko ay isusugal ko rin.

My inside voice is telling me to just try and see what might happen. If it is bad then quit! Somehow I don't like the idea of quitting. Ngayon pa ba ako maduduwag? Marami ng racket ang nalampasan ko. Mahirap nga ang isang 'to pero hindi sapat na idahilan ang kaduwagan para sumuko. I've decided. I won't quit even if I'm afraid. I won't quit though the mission takes me in a risky maze. I should have to be wise until I succeed. I should be careful for my plan today.

"Nandito na po tayo ma'am." Pukaw ni manong ng di pa rin ako nag abalang bumaba. Narating na pala namin ang bahay ni Zai Gabriel ng hindi ko namamalayan. Dagli ko namang binuksan ang sling bag at kinuha ang pitakang naroon na small bills ang laman at mga important ID's.

"Salamat manong, ito po ang bayad ko." Sabi ko at Inabot ang pamasahe saka bumaba.

Tumigil muna ako para suriin ang bahay. It's a two storey house. I wonder if this house was bought only for the mission or one of Buenavista's properties. The space is good enough for a family. Kahit siguro isang dosena mahigit ay kasya dito. I bet this place is good for not just a single family, maybe two. Masyado itong malawak para kay Zai Gabriel, just for the mission.

Humakbang ako palapit sa guard house at nagpakilala sa guard upang papasukin.

I only wear sleeveless top, jeans and sneakers with no make-up. I don't even look seductive. But I'm pretty sure my plan will be the best weapon at all.

"Zai Gabriel?" Tawag ko ng marating ang sala.

Nang walang sumagot ay inakyat ko na siya sa taas. Binuksan ko agad ang pinto ng dalawang kwarto na una kong narating. Wala sa dalawa ang kwarto ni Zai Gabriel dahil malinis iyon at walang bakas ng may umuukopa. Sumunod kong tinungo ang panghuling silid na naroon. Hindi ito tuloyang naisara kaya pumasok na ako at ginala ang paningin sa kabuohan ng silid. Tiyak kong may umuukopa nitong kwarto basi sa gusot na comforter at nagulong unan sa kama. Mayroon ding nakapatong na cellphone sa bedside table. Katulad iyon ng kay Zai Gabriel! Malamang ito na ang kwarto niya.

Pinaghalong puti at kulay tsokolate ang gamit niya rito, labas na ang tatlong paintings sa dingding at ang vase at pictures sa lamesa. Huminto ang paningin ko sa closet kung saan naroon ang pakay ko. Agad ko itong nilapitan at binuksan.

"Gay thing." Maasim kong sambit dahil sa mga hile-hilerang damit pambabae.

Isa-isa kong pinaghahablot ang mga party dresses, mga halter top, tank top at shorts na hanggang hita lang ang haba. Sumagi sa isip ko ang imahe ni Zai Gabriel suot-suot ang hawak-hawak ko ngayong mga damit. Nalukot lang ang mukha ko sa isipin. Hindi ko makuhang e-proseso sa utak ko kung paano nagawang isuot ni Zai Gabriel ang mga damit na ito. Alin ba dito ang bumagay sa kanya? Nagpakawala na lang ako ng hangin at inipon sa sahig ang mga damit niya.

Binuksan ko naman ang apat na drawers. Tatlong drawers ang puro panty ang laman at ang isa ay briefs. Hindi kaya'y collection niya itong mga 'to? O 'di kaya ay pinagbihisan ng mga naging partner niya? Ito lang kasi ang naiiba sa tatlong drawers. Sa tingin ko ay panty ang kinahiligan ni Zai Gabriel na suotin panloob. Hindi ako maaaring magkamali dahil nakita ko na na nagsuot siya ng panty.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon