Chapter 31

2.4K 26 0
                                    

Demi

Masayang salu-salo ang naganap sa mansyon ng mga Buenavista. We enjoyed the warm welcome and especially the foods. Nag-tagal din kami sa mansyon dahil nakipag-kwentohan pa kami sa mga grand parents nina Zai Gabriel. Hindi rin kami hinayaang magbyahe ng kami lang since pagod raw kami mula sa byahe at outing. Ipinahatid na lang kami pauwi ng Lolo at Lola ng mga magpipinsan.

The next day ay sinundo nga ako ni Zai Gabriel sa school after my practice. Inanyayahan niya rin akong mag-dinner, considered as dinner date na rin daw. After that dinner date ay sunod-sunod na ang paghihintay niya sa akin. Hindi pa man natatapos ang graduation practice ay nandyan na siya. Naging routine na niya ang paghatid sundo sa akin mula sa apartment hanggang sa paaralan. Pero bago niya ako ihatid pauwi ay kakain muna kami sa isang restaurant or fastfood. Tuloy ay hindi ko na nakaka-bonding ng matagal si Leena Jian. But instead na magtampo ang magaling kong best friend ay pinu-push pa niya ako kay Zai Gabriel. Kaya wala na akong chance pa na maka-iwas pa rito.

Naging routine na rin ni Zai Gabriel ang pakikipag-date sa akin hanggang weekend. And now is Sunday and he's already waiting for me outside my apartment's gate. Pero hindi ako pwede ngayon. Chelsea wants to talk to me at hinihintay na ako nito sa park malapit lang rin dito sa apartment ko, two blocks away from here.

Bumaba na ako at tinungo si Zai Gabriel. Naabutan ko siyang nakahilig sa sasakyan niya at nilalaro ang kanyang car keys. He's wearing a gray cargo shorts, a plain white v-neck shirt, and pairs of topsider. Shit goddess! Huminto siya sa pagpapaikot ng susi ng lumapit ako. He's really perfect and adorable, I can't deny that! Bagong pagupit pa na nakadagdag lang sa pagiging gwapo niya. Palihim kong kinagat ang ibabang labi. I'm really damned! Pinupuri ko siya na never kong ginawa sa ibang lalaki. Tanging siya lang ang pinuri ko ng ganito since kid. God... He really fascinates me.

"Shall we?"

"Ahm... I can't, Gabriel. Chelsea wants to talk to me now." His smile fade away after hearing my words. Bumuntong hininga siya at kinuha ang palad ko.

"Ihahatid na kita?" Umiling ako.

"Hindi na, Gabriel... Mas mabuti kung hindi ka niya makitang kasama ako."

Tipid siyang ngumiti at tumango sabay binitawan ang palad ko. Teka bakit parang malungkot ka? Gusto kong itanong pero pinigil ko na lang ang aking sarili. I stared at him once again and shrugged my shoulders. Aalis na sana ako ng magsalita ulit siya.

"Alam kong may nararamdaman ka sa akin, Demi... Kung ano man ang pag-uusapan ninyo, sana hindi maging dahilan 'yon para isuko mo na lang ang feelings mo para sa akin."

Tipid akong ngumiti at tumango bago ko siya iniwan at nag-lakad papuntang park. Pakiramdam ko ay may mali mula ng marinig niya ang pangalan ni Chelsea. Kung ano man ang pinoproblema ni Zai Gabriel ay hindi niyon mababago ang desisyon ko. Nakapag-pasya na ako. Kung totoosin ay wala naman akong dapat linawin kay Chelsea. Hihingi lang ako ng tawad sa naging away namin sa isla. At kung hihingin niyang layuan ko si Zai Gabriel ay hindi ko na problema iyon. Hindi dapat ako ang pagsabihan niyang lumayo. At bakit naman ako lalayo? Wala siya sa tamang lugar para sabihan akong lumayo dahil kaylan man ay hindi naging sila. Ang dapat niyang paki-usapan ay si Zai Gabriel para tigilan na ako. But that's impossible.

Goodness! She's not even his ex girlfriend. Wala silang naging relasyon para mag-claim siya ng karapatan kay Zai Gabriel!

"You're finally here," she said sarcastically at tinapik ang bench na inu-upoan niya.

I obeyed and sat beside her ignoring the attitude she showed me.

"I'm sorry for being rude to you," anya na kinagulat ko kaya ko siya nalingon.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon