Chapter 26: Demi

938 25 2
                                    

Demi

"Ladies first rule tayo. So, mauuna ka Naia." Umpisa ni Harley.

"Deal." Sang-ayon ng apat. Kung sumang-ayon sila ay parang napaka-dali lang ng ipapagawa nila sa amin.

Nasa iisang cottage kami lahat. Ngunit hindi kami nagkasya sa upoan nitong cottage kaya kaming mga babae na lang ang pinaupo ng mga lalaki. Pinili nilang magkanya-kanya ng pwesto sa labas ng cottage at pumwesto sa bandang likuran namin. Zai Gabriel is outside cottage too and he's leaning to the backrest of my seat. Balak niya talagang panatilihin ang ganitong distansya namin. Lihim na lang akong napailing.

"Kay Slate ang nahanap ko. So Slate ang gagawin mo ay ang hanapin kung alin sa body parts ni Catherine ang may kiliti at doon mo siya hahalikan." Ani Naia na nagpapanting ng tenga ko. Iglap lang ay nabaling kay Slate ang aking atensyon.

Napasubo ako sa larong 'to. Umpisa pa lang ito ngunit mahirap na sa part ko kung ilalagay ko ang aking sarili sa sitwasyon ni Catherine.

"Ayuko nga, manyak kaya 'yan! Hindi ba pweding iba na lang ang dare, Naia?"

"Bawal kj." Nakangising bawi ni Slate rito.

"Fine! Go, search!" And she rolled her eyes.

Sampong minuto ang tinagal ni Slate bago nahalikan ang batok ni Catherine. Nagkaasaran pa ang dalawa dahil doon. Tahimik lang ako at minsan ay nangingiti na lang sa sumbatan ng dalawa. Hindi ko rin pinapansin ang presensya ni Zai Gabriel sa likod ko. Naroong maririnig ko ang kanyang mabibigat na paghinga. Ano ba ang problema ng isang 'to? He never laughs with us. Malalim ata ang iniisip niya.

Sumunod ay si kuya Jesther na maswerte dahil si Sozzy ang piniling gagawa ng dare sa kanya. Sa hita ito nagpahalik partida naka trunks lang si kuya at parehong hindi maipinta ang kanilang mga mukha ng matapos iyon. Napasipol rin ang ilang lalaki sa kasama namin. That made Sozzy's face became reddish because of shame, maybe. Si kuya Jes naman ay napakamot na lang sa batok nito.

"It is hard to resist, bro." Tudyo ni Lexus sa kaibigan na diniinan ang hard kaya nag si-tawanan ang mga kasama namin. Maging ang nasa likuran ko ngayon na tahimik lang kanina ay nakitawa na rin. Mga lalaki talaga kapag ganitong sitwasyon parang si flash sa bilis makaintindi!

"Never ask me to do that again." Mahina ngunit may halong inis na wika ni Sozzy kay kuya Jesther.

Nagsalin na lang ako ng juice sa dalawang baso at ibinigay ang isa kay Sozzy. She thanked me even she froze and stared at the glass for a while. Sinuyo na rin siya ni kuya Jasper sa nagawang kapangahasan. Mukhang nagkakaintindihan pa rin naman sila kahit ganun ang naging dare. Nagpatuloy ang laro at sumunod na si Xandro.

"Question lang ang sa akin Mira. So please answer it honestly." Ani Xandro na kumindat pa kay Mira. "Okay here is the simple question for you... Have you done it with-?"

"Xandro!" Agarang salungat ni Sire Ridge sa kaibigan.

Kahit ako ay napa-nganga sa naudlot na tanong. Pati ba naman yung private issue between the two ay itatanong? Ano ba naman.

"Relax dude. Bawal nga kj 'di ba? Hindi pa nga ako tapos." Nanunudyong tugon ni Xandro kay Sire at inulit muli ang tanong nito. "Again Mira, have you done it with your soon to be husband? Yes or yes?" Goodness!

Bigla ay lumapit si Mira kay Sire Ridge at niyakap ito. Sumiksik ito sa balikat ng fiancé. "Sire respects me, Xandro." Ani Mira at umiiling habang yakap pa rin ang fiancé nito. Hinaplos naman ni Sire ang kanyang balikat.

"Madaya. Ang kj niyo. Laro lang naman 'to." Maktol ni Xandro. He has no choice, though.

"Let it pass, bro." Ani Lexus na tinapik pa sa balikat ang kaibigan.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon