Chapter 14: Chelsea

953 29 2
                                    

Chelsea

"You seem familiar... Alone?" Panimula ng lalaking lumapit sa akin.

Dalawang minuto pa lang akong nakaupo at unang tungga ko pa lang sa whisky sa baso ko ay may nagpapa-cute na. I'm at the bar counter and yeah, alone. Drinking all pain away which probably an award for being such a hell of a bitch!

Punoan ang bar. Di magkamayaw sa pag indayog ang mga iniikotan ng neon lights sa dance floor. Mga katulad ko rin silang mahilig sa night life. Malamang pati rin itong nakitabi sa akin ngayon. Nilingon ko siya. Swabe nitong tinukod ang siko sa counter bilang suporta sa bigat nito at tiningnan ako.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay saka nagtawag ng bar tender. "Another shot please. The blue label..."

"You have a good taste, huh."

Hindi ko siya nilingon. Tinitigan ko lang ang bote ng Johnnie Walker na hawak ng tender. Sinasalinan nito ng kaunting laman ang shot glass ko. I love the aroma of this. Kaya ito ang pinili kong inumin ngayon. Inisang lagok ko ang laman ng baso. Dalawang shot pa nito ay aalis na ako. I should left this intruder and go with what I've planned, bar hopping. Nasa kabilang bar sina Arsyn, Lona at Fen ngayon. Huli ko ng nareceive ang text nila at kararating lang din nila doon.

"Two more final shots and I'll go there." Reply ko sa text ni Arsyn.

"You're leaving? Hindi ka pa nagtatagal. Mukhang five munites ka pa lang ata naka-upo-"

"Hinihingi ko ba ang concern mo? Aalis ako kung kaylan ko gusto at wala kang pakialam. Dahil di kita kilala!" Di ko na napigilan. I should be leaving now.

Kinuha ko ang atensyon ng bar tender. Humingi muna ako ng tubig bago binigay ang bill ko. "The change is your tip."

Mabilis akong umalis doon at nakipagsiksikan sa mga nagsasayawan para marating ang exit nitong bar. Hindi na ako umabot doon sa dalawang shot. Ayaw ko sa mga ganoong lalaki, feeling close.

"At ikaw hindi? Ganoon ka kaya kay Zai Gabriel." Kastigo ko sa sarili. Back to abnormal mood!

"Too rude miss, I like it." Huminto ako at lumingon likod. Ang lapit nito na halos mabangga ko na ang dibdib niya. Maduduling na rin yata ako. Bakit ba siya sunod ng sunod?

Umatras ako at tiningala siya. "Kabute ka ba o langaw? Pwede ba wag kang sumunod." Sabay talikod ko.

"Marumi yung langaw pero masarap ang kabute kapag luto." Inis ko siyang nilingon muli. Nakangisi na ito. Ang sarap lang padaanan ng koko sa mukha. Grrr!

"Hindi ka kabute. Langaw ka kaya di ka masarap." Wait, what? Damn! Shit double meaning yung sinabi ko. Kaya ang kumag nag ngiting aso!

"Bakit nakatikim ka na ba ng langaw? Di mo lang alam, isa ako sa kilalang masarap na langaw worldwide." Ngising-ngisi pa talaga ang ulol! Bulshit lang! Isang dangkal na lang ang layo namin ngayon. Gusto ko tuloy isigaw ang inis ko sa mukha niya mismo. Darn this airhead man whore!

"Gusto ko lang namang makilala ka. Actually naalala ko na. You were one of the guests at BuenaV Corporation anniversary right? You asked me some questions that night. Natatandaan mo na ba?"

Mukha nga. Hindi ko lang talaga matandaan. Tiningala ko siya. "Hindi ko matandaan."

"Okay lang. I'm Theo Ross." Nakangiti pa rin nitong pakilala at naglahad ng kamay.

Nagdadalawang isip akong tanggapin ang palad niya. Pero may naalala ako sa first name niya. Magamitan nga ng pagka-pilya 'to.

Itinago ko ang umaambang tawa pero halata ang pagpipigil ko. "Shailene."

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon