Chapter 30

1K 21 0
                                    


Demi

We finally arrived at BuenaV Office Building's helipad. We have a safe trip back here and we really have fun before we decided to leave the island. Agad kaming bumaba ng helicopter at inalalayan naman ako ni Zai Gabriel. Nalulula pa rin ako. Nakakahilo ang byahe.

Nang nakababa na kaming lahat ay mabilis kaming tumabi para sa pag-lipad muli ng helicopter. Babalik kasi ang piloto sa Isla Estrella para sundoin ang iba pa naming kasamahan na naiwan roon. Pinanood muna namin ang helicopter sa pag-taas nito bago napag-pasyahang bumaba na ng rooftop at tinungo ang elevator. Twenty minutes or more ay nandito na rin ang helicopter ni Xandro sakay sina Trina at ang iba pa. And it's already 4:33 in the afternoon in my wrist watch. Nauna lang kaming umalis ng Isla gamit ang helicopter ng lolo ni Zai Gabriel.

We proceeded to the lounge while waiting and assisted by three employees. They offered us foods and drinks before going back to their work. Lahat kami ay hindi pa maaaring umuwi since the old man Buenavista invited us for luncheon in his mansion and no one is allowed to refuse his invitation.

"Ayos ka lang? Still dizzy?" I look at Zai Gabriel's eyes and shook my head. I accepted the glass of juice he offered me and move to give him space beside me so he could sit.

"Tuloy-tuloy na 'yang kasweetan niyo, ah," tukso ni Morgan.

"Aso't pusa pa ang dalawang 'yan doon sa Isla. Pero kita mo, sa Isla din pala magkakaunawaan," gatong pa ni kuya Jesther.

Umiling na lang ako at simpling ngumiti sa kanila. Tama rin naman sila as how they observe me and Zai Gabriel back in island.

Morgan, Elodie, Sire Ridge, Mira, Kuya Jes, Sozzy, Zai Gabriel, and me. Kaming walo pa lang ang naunang bumalik ng manila.

"Akala ko nga nagugustohan mo na si Slate, Demi," ani Mira.

"Pinagselosan pa ni Zai 'yon. Pero syempre kahit babakla-bakla itong pinsan namin ay umaksyon pa rin bago pa siya mahuli."

"Torpe lang ako, Sire. Inakala niyo lang na bakla ako kasi pinagdudahan niyo ako sa hindi ko pagsama sa mga lakad ninyo. Dahil nga bakla ako at hindi ako makakasabay sa trip niyo. Na puro lang naman kamanyakan. But the truth is, I was too busy stalking the love of my life during those days, cousin," mapanuyang sagot ni Zai Gabriel at umakbay pa sa akin. I just let him touch me. Nasasanay na rin ako sa mga actions niya.

"Lilinawin ko lang, hindi ako kasama diyan sa kamanyakan na tinutukoy mo pinsan." ani Sire Ridge na nilambing pa ang mapapangasawa.

"Syempre ako rin labas na ako sa mga kalukohan nina Harley. Lagot ako dito kay kumander." Ani Morgan sabay akbay sa asawa nito na seryusong tinaasan lang siya ng kilay.

"Mabuti na lang talaga at inalam namin kung saan ka pumupunta pag wala ka, bro," saad pa ni Morgan.

"Noong una kong nakita itong si Zai, nakakarindi. Feelingerang bakla."

Tumawa si Zai Gabriel sa inihayag ni Sozzy. Napangiti rin ako sa alaala. Kahit ako ay nainis din naman sa pambabastos noon ni Zai Gabriel.

"Binastos mo pa ako noon, Gabriel. Grabe mo akong ininsulto."

"I'm sorry, sweetheart. Sinuntok mo rin naman ako noon. Nakabawi ka na. Tsaka di ko rin kasi napigil ang sarili ko sayo kaya ko nagawa-"

I pinched him before he could tell what happened next. Bumulong naman siya ng 'sorry' at ngumiti.

"Demi, ha. 'Wag mo ng pakawalan si Zai. Mahigit sampong taon 'yan na  nabaliw sayo. Baka matuloyan na 'yan pag di mo sinalo ng tuloyan," ani Mira.

I just smiled at her and bit my lower lip. Kumuha na lang ako ng cookie sa bowl para itago ang hiya ko.

"Hi, guys!" Sabay na sigaw ng mga kakarating lang. Kanya-kanya silang umupo sa dalawang bakanting couch.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon