Chapter 11: Chelsea

1.1K 27 0
                                    

Chelsea

Kahit saang anggulo tingnan ay ang gwapo niya. Isang click pa sa camera at itinago ko na ulit sa bag ko ang aking cellphone. Nagpatuloy pa rin ako sa pagmasid sa kanya... God! Kahit tulog ay nakaka-akit parin! Umiingganyo ang makurba nitong pilik mata.

Lumapit pa ako sa kama at naupo sa gilid niya. Nagyuko ako para pagmasdan siyang maigi. He's attractive in so many ways. Ang mukha niyang perpekto. His pointed nose, eyes, and kissable lips are so precious. I would damn regret if I didn't do a single touch. Tuloyan na nga akong natukso at hinaplos ang baba niya, ang kanyang pisngi, at sa huli ay di ako naka-pagpigil. I brushed my lips on his. Gosh! Baliw na ako at sa kanya lang ako naging ganito sa buong buhay ko! Kaya susulitin ko na itong pagkakataon na 'to. Muli akong nagnakaw ng halik sa kanyang labi hanggang sa nakatatlo ako. Bigla naman siyang gumalaw, lukot ang noo at naaalimpungatang dumilat. Natigil ako pero di ako umalis. Nanatili ako sa' king posisyon at nang mapagsino niya ang katabi ay mabilis siyang umupo at nagsumiksik sa headboard ng kanyang kama. Alam kong mangyayari ang reaksyon niyang iyan pero hindi ako magpapaawat dahil sa kagustohan kong iparamdam kung gaano ko siya kamahal. Sanay na rin ako sa kanyang pambabaliwala at sa lahat ng mga masasakit na salitang natanggap ko mula sa kanya.

"Hi hottie." Naka-ngisi kong pag-bati.

"Why are you here?" Gulat parin nitong tanong.

"I'm on duty honey, remember? Relax, okay." Paglalambing ko sa kanya na may kasama pang yapos sa braso. Ngunit napawi ang ngiti ko ng winaksi niya ang aking kamay.

"Relax your face! Pinagsamantalahan mo ako habang tulog. How unpleasant of you!"

Tss!

Bumangon siya at gumilid sa kabilang dulo ng kama. Inis parin pero bumagay lang iyon sa kanya lalo pa na magulo ang kanyang buhok at naka-itim na boxers lang. Walang bahid ng pagiging bakla. Malayo siya sa mga kilala kong bakla na ipinangangalandakang bading sila. As I know those gay are doing rituals, fixing their selves to look more beautiful before sleeping. Pero siya? Ni wala nga akong makitang bahid ng night cream at face mask sa kanyang pisngi. Natural lang siya. Isa pa sa tagal ng pang-e-stalk ko sa kanya wala pa akong ibang nakitang nakasama niya na lalaki bukod sa mga pinsan at kaibigan. Ni minsan din ay hindi siya pumatol or nakipagrelasyon sa kapwa niya lalaki.

"Talagang wala ka ng tinitirang kahihiyan sa sarili mo ano!"

"I just love seeing you waking up beside me every day, Zai Gabriel. I want to be the one whom will hug and kiss you before you sleep at night too. You're all that I want beside me forever, my Zai. I'll ignore all what if's just to be with you... Because I love the way you are and everything about you."

"Dream on but you can never have me!" Pagtataray niya at galit na hinablot ang kanyang t-shirt sa gilid ng kama. Sinuot niya iyon habang naglalakad palabas ng silid.

Nanghina ako sa kanyang sinabi at walang ganang napabuntong hininga. Pero hinding hindi ko pa rin siya susukoan! No! Hindi pwede dahil mahal ko siya.

Mabilis akong sumunod sa kanyang gilid. "How sure you are? Huwag kang magsalita ng tapos. Dahil madali kang bumigay. I kissed you, hugged you, and I already touched you. At... At muntik na ngang may mangyari sa atin hindi ba? Bumigay ka! If it's not because of Quinn maybe we've done it. Nakuha mo na-"

"Napikot mo na sana ako!" Pagak siyang tumawa sabay pasada ng palad sa sariling buhok.

Bumalatay sa akin ang sakit. "God! Gusto kita at subra-subra kitang mahal, Zai. Hindi kita pinipilit kung ayaw mo pa ngayon. Nakahanda naman akong maghintay at heto nga gumagawa ako ng paraan para mahalin mo rin. Maghihintay naman ako... Lahat ng mga ginawa ko at gagawin pa ay hindi mo matatawag na pikot iyon. Dahil kung pinikot kita matagal ka na sanang natali sa'kin! I don't care if it takes time waiting for you. Because I know you're worth waiting for. I'm content with you just beside me, Zai... Kahit tanaw lang kita kuntento na ako roon."

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon