Chapter 33

3.1K 36 6
                                    

Ang bilis ng mga pangyayari at natatandaan ko lahat iyon. God... I won't drink liqours again specially that tequila! Ako ang nag-udyok kay Zai Gabriel. I offered myself and beg for his touch when he tried to control his self. Ang harot ko! Ano na lang ang sasabihin ni kuya at papa? Damn! I need to tell them.

"Gabriel..."

"I love it when you call me by my second name, sweetie. Kahit hindi mo ako tinatawag sa endearment ko sayo," I rolled my eyes at him.

I choose to call him Gabriel since I knew him as Gab back when we're kids.

"Natatakot ako sa magiging reaction ni papa at kuya if they knew about what we did. Gabriel, mag na-nineteen pa lang ako by next month-"

"Hey, hey. Stop worrying about it. Haharapin ko ang papa mo at pananagutan pa rin kita ano man ang mangyari."

Hindi ako kumbinsido. Hindi mapapanatag ang loob ko hanggat hindi ko nakakaharap sina papa. Idagdag pa ang kaba ko ngayon sa pag-harap namin sa mga magulang niya.

"Hey, Son." Nilingon namin ni Gabriel ang pinto kung saan nanggaling ang boses ng isang ginang.

Malamang ay nanay na niya ang papalapit sa amin ngayon. Niyakap nito si Gabriel at nginitian naman ako bago umupo sa kabilang sofa at nagtawag ng kasambahay.

Sampong minuto pa lang ang nakakaraan mula ng dumating kami dito sa bahay nila at hinihintay namin ang kanyang both parents.

"Gabriel? What's the urgent matter are you saying? Kinailangan ko pang mag-cancel ng meeting para sayo."

"Honey, come here. Sit beside me."

Tumugon ang ama ni Gabriel at binagsak ang sarili sa mahabang sofa katabi ng asawa nito. Inalis nito ang eyeglasses at hinilot ang sentido bago kami seryusong pinakatitigan. Nagtagal ang tingin nito sa akin at halatang nagtataka ito na kasama at katabi ako ng kanilang anak ngayon at nasa harapan nila kami pareho.

"Demi, my mom and dad, Zairienna and Gerdon. Mom, Dad, si Demi nga po pala. Girlfriend ko."

What? Girlfriend? Dagli akong napasulyap kay Zai Gabriel ngunit nanatili ang seryuso niyang tingin sa ama. May nangyari lang girlfriend na agad? Hindi ko pa nga siya sinasagot, eh... Sasagutin sana, oo. Pero hindi natuloy.

"Dad, I need to take over the managerial position in your company as soon as possible-"

"Iyon lang pala. We can talk about it over dinner, son! Nag-cancel pa talaga ako ng meeting-"

"Gerdon! Ano ba puro ka negosyo! Kausapin mo naman ng matino ang anak mo," hinawakan ng ginang sa siko ang asawa nito para kunin ang atensyon.

Pinanlisikan niya ito ng mga mata at nilingon kami ng may ngiti.

"Iha, hindi mo ginagalaw ang pagkain mo? You doesn't like a chocolate cake? Papapalitan na lang natin."

"Ah, h-hindi na po ma'am. Ok lang po ako," tipid akong ngumiti dito at nilingon ang katabi ko na mariin rin pala akong tinititigan.

"Eat, sweetie," paglalambing niya at kinuha ang kamay ko at pinisil ito.

"God! Did you hear that, Gerdon?" nahihiya man ay nilingon ko ang mga magulang ni Gabriel. "Our son is so sweet..." anya at matamis na ngumiti sa akin.

Nakakailang naman yung mga tinging ipinupukol sa akin ng kanyang ama. He's intimidating me by his stares. Nag-iwas ako. I knew by that that I'm not welcome in their family. Siguro ay hindi ako ang inaasahan, kundi si Chelsea.

Tumikhim ito at ramdam kong tinititigan pa rin niya ako. Goodness! Malulusaw po ako.

"Gabriel, hindi ba't yung position ko sa kompanya ang ipinapahanda ko sayo?"

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon