Chapter 29: Demi

947 19 0
                                    

Lingo, at ika-tatlong araw na namin ngayon dito sa isla Estrella at bukas na rin ang aming uwi sa manila.

Nagtipon-tipon kami sa cottage bago napagpasyahan ng iba na sumakay ng yacht ni Slate para mag-aliw. Natatanaw lang namin sila mula rito. At kami lang ni Sozzy, Elodie, Kuya Jes, Morgan at Zai Gabriel ang nag-paiwan.

"Oh, kape. Walang asukal 'yan for your hangover," si Elodie na inaalok sa asawa nito ang tasa ng kape. Panay hilot lang ni Morgan sa sentido nito na inabot ang tasa.

"Oh, kayong dalawa? Anong status niyo ngayon at magkatabi kayo? Nakita ko kayo kagabi palabas ng bar tapos pag-balik mukhang magkasundo na kayo," usig ni Elodie. Bago pa ako makasagot ay ginatongan na ng asawa niya ang kanyang tanong sa amin ni Zai Gabriel.

"Naka-score?"

Naalarma ako doon at bago ko pa man malinaw ang lahat ay may lumipad ng chips sa pisngi ni Morgan.

"Nothing happened, asshole! We've just talked inside your car," ani Zai Gabriel at kumuha muli ng chips at sinubo.

"Eh, nung iwan namin kayo kagabi?"

"Wala!" Mabilis kong sagot kay Sozzy bago pa man niya dagdagan ang kanyang tanong. Hot seat? Ngumisi lang ito na inakbayan ni kuya Jes.

"Sa kwarto namin ni Harley ako natulog... Don't worry guys wala naman akong gagawin na hindi gusto ni Demi," sabi ni Zai Gabriel sabay akbay sa akin at ngumiti. Inikotan ko lang siya ng mata.

"So? Ang lagay niyo ay..." Taas kilay na tanong ni kuya Jesther na pinagpalit-palit ang tingin sa gawi namin ni Zai Gabriel.

"I'm still courting her, Jes," sagot ni Zai Gabriel dito at nilingon ako.

"Uuwi na tayo bukas... Pwede ba kitang ayain?" Masuyo nitong tanong sa akin.

"Ayain saan?"

"Horse back riding? I promise, hindi ko na patatakbuhin ng mabilis. Please, pangako... Mamimiss ko kasi ang kabayo kong si King. Baka matagalan pa bago ako makabalik dito sa isla."

Mas exciting siguro kung maglilibot na lang kami total ay huling araw na namin ngayon dito. Mamimiss ko ang lugar na 'to, ang tahimik, ang ganda at relaxing. Siguro Mai-enjoy ko na ang pangangabayo ngayon. Hindi tulad noong kabababa lang namin ng helicopter at hilong-hilo.

"Sige... Bihis muna ako." pagsang-ayon ko at tumayo na ikinangiti ni Zai Gabriel.

"Sama kami-"

"Wag na, babe. Hayaan na natin silang mag-solo. Ibigay na natin itong chance na masolo ni Zai si Demi." ani kuya Jasper na kinindatan pa ako at pilyong ngumiti. "Ipapasyal na lang kita..." dagdag pa niya kay Sozzy na agad sinang-ayonan ng huli.

"Kami rin hindi na kami mang-eesturbo, couz. Just take care of Demi na lang." Bilin na lang ni Elodie. Tumango lang si Zai Gabriel dito at sumama na sa akin pabalik ng bahay.

Jeans at gray shirt ang sinuot ko at bumaba na. Sa sala ko na lang rin pinag-hintay si Zai Gabriel kanina.

"Tara?"

"Tara." Excited niyang sagot. Hindi rin nakatakas sa akin ang kislap sa kanyang mga mata. Na nagpakilig sa akin.

Kilig? Nakakaramdam na ako ng kilig?   Sa kanya ko lang naranasan 'to. Pinukaw na talaga niya ang natutulog kong emosyon. Lihim kong kinagat ang ibabang labi at iwinaksi ang naramdaman. Wala lang' to!

Palabas na ako ng hilain niya pabalik at sinandal sa pinto ng bahay. Tyaka seryusong tinitigan habang nilalagay sa kanyang balikat ang kanan kung kamay bago hinawakan ang isa. Nagtaka ako at tinaasan siya ng kilay sa kanyang inaakto. Magsasalita sana ako pero sinalubong na niya ako ng halik. Marahan lang iyon at saglit pero niyanig ang buo kong sistema. Goodness, Zai Gabriel!

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon