Chapter 15: Demi

1.1K 29 6
                                    

Demi

Kumalam bigla ang sikmura ko. Sa aking relo ay quarter to seven na. Ni walang lutong pagkain. Wala yatang kasambahay dito. I think tamad magluto si Zai Gabriel at umaasa lang sa fast food and deliveries. Kung puro delivery foods lang ang aasahan nakikinita kong mawawalan ako ng gana kung nasa sitwasyon ako ni Zai Gabriel. Mas maigi pa rin na ako mismo ang naghahanda ng kakainin ko. Pakikialaman ko na ang kusina. Di bali ng umusok ka sa galit Zai Gabriel!

"Milkfish for dinner?"

Napatalon ako sa bigla ng marinig ang kalmanting boses na nagmumula sa aking likuran. Si Zai Gabriel. Hindi ko manlang namalayan ang mga yapak niya papasok ng kusina. Nilingon ko siya at tumango bilang sagot sa kanyang tanong. May hawak-hawak siyang baso. Iinom siguro kaya binitawan ko muna ang bangos sa freezer at tumabi upang makakuha siya ng tubig.

Zai Gabriel is now wearing a plain gray shirt and shorts. Lalaking lalaki sa kanyang tindig kumpara noong sabado. Pati cologne niya ay panlalaki ang amoy. Magulo ang ayos ng kanyang buhok pero nagmukha naman siyang hot. His masculinity is intoxicating. Oh no, no, no... Kinagat ko ang ibabang labi sa isipin, yumuko at palihim na pumikit upang iwaksi ang mga papuri sa kanya. Oh compliments! Now it's useful. Mukhang ako pa ang mahuhulog nito sa patibong na ako mismo ang gumawa.

Ito na siguro ang resulta noong nakaraang nangyari sa amin. Gosh I might kill myself if that will happen again! Nag-asaran pa kami ni Leena Jian dahil doon sa nangyari pero sa huli ay ako ang naiwang pikon. Leena just giggled most of the time I'm at their house. Imbis na mainis din siya at manghinayang katulad ko ay kinilig pa siya. Hindi niya ako tinigilan hanggat di ako sumusuko sa mga tukso niya. Nauwi ako sa pananahimik noon at irap lang ang panlaban. She can't believe na kayang gawin ng isang bakla iyon. Pareho kami ng iniisip. That Zai Gabriel is hiding something. Doble ingat na dapat ako sa mga pinaplano ko mula ngayon. Tama na ang pag-absent ko noong linggo dito sa mission dahil sa nangyari noong sabado.

"Sorry. Naki-alam ulit ako sa mga gamit mo dito. Kung hindi mo alam, pinahihintulotan kami ng Lola mo sa mga gusto naming gawin dito sa bahay mo." Nilingon niya ako habang tinutungga ang tubig sa kanyang baso. Tsaka siya lumapit sa mesa at nilapag doon ang baso at binulsa ang kamay.

"I don't eat milkfish. Pwede bang beef steak na lang? Marunong kang lutoin 'yon? Sorry, I'm not into cooking kasi." Malumanay ang kanyang boses at kumakamot pa sa batok.

Pakiramdam ko tuloy ay sinusuyo niya ako. "Hindi ka kumakain ng bangos? Eh bakit nandyan iyan sa freezer? Don't tell me tumalon yang isda diyan mula sa aquarium? Hindi naman yan pet fish!" Pamimilosopo ko na nagpangiti rito. Seriously?

"Si Manang Susan ang inutosan kong mag grocery kanina. Bagong katulong doon sa mansyon. Hindi niya alam ang tungkol sa hindi ko pagkain ng bangos, kaya ayan." Kibit balikat niya.

That's that? He just refused and explained instead? Where's the real Zai Gabriel last week? Nabagok? Dapat pilosopo rin ang pagsagot niya.

"Anong pakulo mo, huh? May balak kang gawin ano?" Dinuro ko siya.

Gumuhit ang pagtataka sa kanyang noo kasabay ng paniningkit ng kanyang mga mata. "Ikaw lang ang may balak sa ating dalawa dito, Demi. Huwag mong ipasa sa akin ang marumi mong gawain pati na yang trashcan mong utak!"

"Tseh! Tumabi ka nga!" Maktol ko at hinawi siya. Akala ko pa naman sincere siya sa pagbabago ng ugali. Hindi pala.

Nakakasakit yung mga binibitawan niyang mga salita. Pero may bahagi rin ng pagkatao ko ang nagsasabing: He has a point!

Hindi ko iyon ikakaila. Sa murang edad ay hindi ko dapat pinapasok ang ganito. Kaya imbis na sagutin hayaan na lang at huwag ng pansinin pa. May mga bagay talaga na hindi magawang sagutin lalo na't may katotohanan ito. Being silent is how to close the arguments like this. Just that!

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon