Chapter 17: Chelsea

1K 26 3
                                    

Chelsea

Bumalikwas ako ng bangon. Ginusot-gusot ko pa ang buhok pagbaling ko sa orasan na nakapatong sa lamesa sa gilid ng kama ko. Damn, I'm late! Isang oras na akong late sa mission ko. Mabilis kong hinawi ang kumot at tumayo. Tinakbo ko na ang banyo. Nagmamadali lahat ng galaw ko. I feel like a military in every single move I made. Medyo masakit pa ang ulo ko ay binaliwala ko na lang. Nagkayayaan na naman kasi kagabe at ito ang resulta, hangover.

Nang matapos tinakbo ko na ang pinto ng pad ko para takbuhin muli ang elevator. Mabuti na lang ay hindi ako nadadapa sa pagtakbo. Pakiramdam ko tuloy ay ang bagal ng elevator. Mabilis pa siguro akong makakarating sa first floor nitong condo kung tinalon ko na lang ang bintana ng pad ko. Mas mabilis pa iyon kaso kalahati naman ang tyansang buhay pa ako pagbagsak sa semento. Bali-bali na siguro ang buto ko kung nagkataon. Major injuries talaga ang matatamo ko. Hay ano ba 'tong mga naiisip ko. Kinamot ko ang ulo. Sumubra na ako sa imaginations ko! Kahit yung pagligo ko kanina ay iyon na ang pinakamabilis sa lahat for twenty two years of my existence. World record na!

Guminhawa ako ng marating ko ang labasan ng condominium. Nakapara rin agad ako ng taxi. Ngayon ay traffic naman ang kakalabanin ko. Kung nauso lang sana ang powers for mortal beings, edi sana nasa himpapawid na ako ngayon o di kaya ay nag-teleport na ako. Damn! I'm already crazy. Aligaga ang brain cells ko. Silent tantrums na ito!

Malaking pasasalamat ko ng marating ang gate ng bahay ni Zai Gabriel. I made my breathing normal first before I successfully entered the house. I also wiped away the sweats on my forehead.

"I'm late," panimula ko pagpasok. Namataan ko si Zai Gabriel sa sala na nakaupo sa sofa. Hindi siya lumingon. Malamang di niya ako narinig dahil naka headphone siya.

Inayos ko muna ang suot ko. Tingin ko kasi ay lukot ang white shirt ko. Pati ang faded maong shorts ko ay inayos ko din. Mabuti na lang at hindi madungis ang mga paa ko. Naka-flat sandals lang pala akong pumunta dito. Laking pasasalamat ko na tamang paris ang mga nasoot ko. Basta ko na lang kasing sinoot ito kanina. Kahit ang buhok ko ay sinuklay ko lang gamit ang mga daliri bago lumabas ng bahay at tinali. Sa sasakyan ko na lang ito inayos.

"Hi, Zai..." Nagulat siya ng bigla ay nasa harapan na niya ako. Kumurba din ang kilay niya at nagsimulang magalit ang kanyang aura sabay inalis sa kanyang tenga ang headphone.

"Bakit nandito ka pa? Umalis ka na!" Mariin niyang utos.

"Ayoko nga," tumabi ako sa kanya. Akmang tatayo siya pero mabilis kong pinigil sa siko. Pwersahan iyon. Nagmatigas ako.

"Did your boyfriend know that you're working for me? Alam ba niya kung anong trabaho itong pinasok mo?" Pumiglas siya pero nagmatigas pa rin ako. "Dapat ay hindi ka na bumalik dito. What if he learned about this? Ano ba! Take your hands off me!"

Hinigpitan ko lang lalo ang hawak ko sa kanya at matamis na ngumiti. Hinaplos ko siya doon hanggang sa marating ko ang kanyang palad. I intertwined my hand to his. Hindi niya iyon sinuklian pero ayos lang. Ayos lang kahit pinipilit ko lang na maghawak-kamay kami. Ayos lang basta't hawak ko lang ang kamay niya. Hindi rin naman niya nilalakasan ang pagbawi ng kamay niya, eh. Kaya susulitin ko na. Ewan ko ba kung bakit. Mukhang nangulila ako sa baklang 'to. At ngayong nandito siya sa tabi ko ay ayaw ko siyang malayo.

I have something to do with him. Sinukbit ko sa batok niya ang aking braso at agad siyang siniil ng halik. Natigagal ito kaya nilubos ko ang pag halik. His lips were so soft and smooth. The mint taste of it was so good. Even his manly scent as I inhaled it it' torturing me to do more. Gusto kong gumanti siya pero ayaw niya. His jaw clenched as he push me for distance. Mahina lang iyon kaya nanatiling magkadikit ang mga labi namin.

Ngunit bigla ay may tumikhim na boses sa aming likuran. Agad akong humiwalay kay Zai. Pero nanatili pa rin ako sa kinauupon at ni hindi lumingon sa may-ari ng boses. Lumunok ako. Tuwid pa rin ang pagkaka-upo at kay Zai Gabriel parin nakaharap. Nakakahiya. Shame heated my face. I'm blushing, I know. Bigla ay napataas kilay si Zai sa presensya ng kung sino man ang nasa harapan namin.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon