Chapter 20: Sozzy

913 29 0
                                    

Sozzy

Nang pakawalan niya ako ay agad akong umahon at mabilis na tinungo ang buhangin. Pinulot ko ang damit at mabilisang sinuot pwera sa sapatos. Binitbit ko na lang ito patungo sa rest house nina Zai. Wala akong pakialam sa paligid. Hindi ko na pinapansin kong may nakatingin ba o may mga kasamahan naming nagtataka sa mga ikinikilos ko. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makalayo kay Jesther at marating ang rest house. Gusto kong magkulong sa kwarto. Bullshit! Sa manila may takas pa ako. Pero dito wala. Kaibigan siya nina Zai at malamang ay magtatagal rin siya dito kasama namin! Damn it!

Mabilis kong narating ang rest house. Ni hindi ko nga namalayang nakasunod na pala siya sa akin. Pumasok rin siya at paulit-ulit na tinawag ang pangalan ko sa nagmamakaawang tuno. Dahil doon ay tinakbo ko na ang hagdan paakyat hanggang sa narating ang pinto ng kwarto at isinara iyon bago pa siya makapasok. Nilock ko ito pero hindi ako humakbang paalis. Nanatili akong nakatayo at sinandal ang noo sa sementadong dingding.

Naglakas loob pa talaga siyang sundan ako hanggang dito? Ano pa ba ang hindi niya nasasabi? Tapos na kami at wala ng balikang magaganap. Mabuti na lang at wala ni isang humarang sa akin kanina upang magtanong sa kung anong nangyayari sa amin ni Jesther. At mabuti na lang ay tulog pa rin si Demi at hindi nasaksihan ang mga naganap kanina.

Nanlalagkit na ako at kinakailangan ko ng maligo at magpalit. Basa ang damit ko gawa ng basang two-piece ang mga paa ko naman ay puno ng basang buhangin.

"Sozzy, please harapin mo naman ako oh." Pakiusap niya pero hindi ako sumagot.

Umatras ako sa pinto at lumapit sa kaharap na kama namin ni Demi. Naupo ako sa sahig niyon at nagyuko ng ulo.

"Sozzy hindi ako aalis dito. Hihintayin kita. Mag-uusap pa tayo. Please, lumabas ka na lang dyan, o." Bahala ka sa buhay mo. Mangisay ka diyan!

Kinatok niya ang pinto at pinilit buksan ang doorknob. "Please, let's talk. Let's fix this. Please... Give me a chance."

Chance? Wala akong maibibigay na chance. Tama na ang nasaktan ako ng isang beses. Ayuko na! Gusto na kitang makalimotan!

Biglang may tumikhim at boses ng babae. "Siguro dapat mo muna siyang hayaan. Baka mamaya kausapin ka rin niya... Bigyan mo muna siya ng panahon mag-isip. Bumaba ka na lang muna sa dining area. Nakahanda na roon ang haponan." Sure it was Chelsea.

Pagkatapos niyon ay hindi ko na narinig pa ang boses ni Jesther. Baka bumaba na nga. Marahang sunod-sunod na katok naman ang pumalit. Tinawag kami ni Chelsea para kumain at inulit pa niya ang pagkatok dahil walang pumansin. Ayaw kong buksan. Di rin naman ako kakain kung kasama rin lang sa hapag ang lalaking iyon. Ayaw kong nasa malapit siya at nakatingin.

"Demi? Sozzy? Basa ang underware ko. Gusto ko na talagang maligo at magpalit ng damit. Please guys buksan niyo na 'tong pinto."

Tumunog ang kaharap kong kama. Hudyat na naalimpungatan ang nakahiga roon. Nagdalawang isip pa rin akong buksan ang pinto. Baka niloloko lang nila ako. Di ko nakita si Chelsea kaninang naligo. Baka mamaya nandyan lang si Jesther at dinadaya lang nila akong dalawa.

"Anong oras na?" Tanong ni Demi. Kinukusot niya ang mata at nagsimulang umupo sa kabilang kama.

"Six," sagot ko at nag-iwas ng tingin ng tinawag ulit kami ni Chelsea.

"Ni-lock mo ang pinto?"

Di ko siya matingnan. Di ko rin masagot ang kanyang tanong kaya kusang tumayo si Demi. Pinagbuksan nito si Chelsea.

"Sa wakas nabuksan rin!" Tuloy-tuloy na pumasok si Yhastine.

Pati siya nasa likod rin ng pinto?

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon