Chapter 16: Demi

1.1K 27 4
                                    

Sunday

Takip silim ng marating ko ang bahay ni Zai Gabriel. Hinanap ko siya at nadatnan sa kusina na binabangon mula sa oven ang kakaluto lang na cookies. He's into baking? May special skill, ha. Nilingon niya ako ng maramdaman ang aking presensya kaya kaagad ko naman siyang nginitian ng tipid bago lumapit sa island counter. Naupo ako sa highchair at nangalumbaba habang pinapanood siya sa ginagawa.

"Ibibenta mo?" Tanong ko na nasa tray ng cookies sa ibabaw ng island counter natoon ang atensyon.

"Mukha ba akong panadero?" Pamimilosopo niya. Inirapan ko nga.

"Medyo mainit pa pero pwede na 'yan. Try it." He invited smiling.

Tumango ako at agad sinundot ang cookies. Tinatantya ko kung pwede na bang hawakan. Nang okay naman ay agad akong dumukot ng isa at tinikman. "Tastes good. Papasa 'tong gawa mo, Zai Gabriel. Bakit kaya hindi mo na lang gamitin iyang talent mo para kumita?"

"My mom teaches me how to bake, not to sell cookies, Demi. Ito ang libangan namin kapag bored kami pareho o pag naglalambing siya. She's a Chef and she has a café." Anya. Kumuha din siya ng cookies.

"Wow! Saang field ka ba magaling bukod sa pagbi-bake nitong mga cokies?" He looks so serious into baking. Tuloy naging interesado ako sa kwento ng buhay niya.

"I don't know yet." Kibit balikat nitong sagot. "Business Management ang natapos ko pero hindi ko pa nagagamit sa ngayon. Sure I'll be handling my dad's business soon. Wala naman akong ibang choice dahil ako naman ang magmamana ng negosyo niya. Wala naman akong ibang kapatid. Isa pa ginusto ko rin naman ang course na kinuha ko... Hindi ko rin masasabing magaling ako sa isang bagay lalo na't hindi ko pa ito nasusubokan at wala pa akong napapatunayan... Soon... Kapag siguro napa-oo ko na yung mahal ko doon pa siguro ako may mapapatunayan." Seryuso nitong kwento na may nakapaskil na ngiti sa labi at dumukot muli ng cookies. Hindi ako nakatiis at inirapan siya.

Tsk! Kabaklaan na naman!

"As if gugustohin ng mga magulang mong mapa-oo mo ang kung sino mang lalaki na tinutukoy mo, noh!" Humalakhak siya bigla sabay iling.

"Asa ka pa! Siguro, dahil bakla ka pa kaya hindi ka pa binibigyan ng papa mo ng posisyon sa kumpanya ninyo, ano?" Kuryuso kong naging tanong.

Bigla ay sumimangot siya. "Aasa ako ng aasa, Demi! Umabot ako ng sampong taon sa katorpehan ko at pinag-sisisihan ko iyon hanggang ngayon. Nagsisisi din ako sa mga nagawa kong mali and I didn't know kung bakit ko ba nagawa iyon lahat sa taong mahal na mahal ko. I don't want to hurt my love but I did. Kasi kinailangan... Kailangan... Para manatili siyang nasa malapit lang." Bigla siyang nagyuko at hindi nakatakas sa akin ang bumalatay na lungkot sa kanyang mukha.

Bumuntong hininga siya at nag-angat ng tingin sa akin. Seryuso na parang pasan ang mundo sa inaakto... "Nasaktan ko na ang mahal ko noon at  naulit pa iyon hindi lang isang beses... Labag man sa kalooban ngunit kailangan para manatili siya... Pero Demi, na realize ko rin na sumusubra na ako at kailangan kong mag adjust kung ayaw ko siyang mawala. Baka kasi sa mga pinaggagawa ko ay magtanim pa siya ng sama ng loob sakin." He heaves a sigh and stare directly into my eyes. "Hindi pa rin ako nag-tatapat kahit chance ko na kasi ayaw ko siyang biglain. Baka hindi ko kayanin pag nilayuan niya ako... Pero, Demi... Sinisiguro kong magiging akin din siya at babanggain ko ang lahat ng aagaw sa kanya!"

Napa-ismid ako sa huli niyang sinabi. I tsked. "Bakla! Maghunos-dili ka nga! Alam mo namang hindi ka hahayaan ng Lola, Papa at Mama mo hindi ba? Baka sila pa nga ang gumawa ng paraan niyan mailayo ka lang sa lalaki na tinutukoy mo. Nabuo nga itong misyon at possible rin na mailayo ka sa lalaki mo. Kaya itigil mo 'yang pag-a-assume mo... Sayang ka kung mag-papakabakla lang." Inirapan ko siya na ikinatawa lang niya ng malakas.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon