Chapter 34: SPG

1.7K 19 2
                                    

I wore white with blue polka-dotted sleeveless and above the knee length dress. I paired it with red stiletto. Habang si Zai Gabriel ay naka suot ng simple light blue button up pulo shirt, and jeans. He paired it with Freeman Henley Chukka boots. Damn killing me... Lihim akong kumagat labi.

Kasabay namin si kuya na naka gray shirt, jeans and top sider. Habang si papa naman ay pormal ang dating. Talagang handa, a. Galit pa siya sa lagay na 'yan?

"Ready?" Bumuntong hininga ako at tumango kay Gabriel saka inangkla ang kamay sa kanyang braso. Nilingon niya na rin sina papa at kuya. "Tara na po sa loob pa, kuya?"

They both agreed and before we entered the mansion Gabriel whispered in my ear. "You're stunning tonight, my sweet. I think I need to exercise daily starting tomorrow to aim hard muscles. Whereby I could knock down any man who attempts to touch you."

I blushed and choose to pinched him. Goodness! Kinikilig ako and I can't dispel it.

Malugod kaming sinalubong ng kanyang mga magulang maging ng kanyang Lolo at Lolita. Nagpakilala sila at maging kami rin. Nagkumustahan at yakapan pa bago nila kami inanyayahan sa dining area.

Sa pinakadulo ng hapag-kainan ay ang Lolo ni Gabriel at sa kanang bahagi ng mesa ay ang butihing asawa nito kasama ang mga magulang ni Gabriel. Katabi ni Gabriel ang kanyang ina. Kami naman ay sa kabilang bahagi ng mesa naupo kaya si Mom Zairienna ang kaharap ko.

Halos mapuno ang hapag ng iba't-ibang uri ng pagkain. Pinaghandaan nga talaga ng pamilya ang gabing ito.

Sinimulan ni Don Gerardo ang usapan sa pag-hingi nito ng paumanhin sa apo at sa mga magulang ni Gabriel dahil sa pagkakamaling pangunahan ang apo sa pag-pili ng mapapangasawa. Nagalit raw kasi ito kay Gabriel ng malamang babakla-bakla ito.

"Gerardo, I've already talked to Chelsea yesterday... Umayaw siya sa kasal dahil ayaw niyang pilitin ang apo natin. Imbes na pilitin siya, sinabi kong huwag na lang niyang bayaran ang utang ng kanyang ama. But she insisted to pay. Nahihiya yung bata. So, I offered her to work in our company so she could pay her father's debt. Pumayag naman siya."

Tumikhim si Gabriel para kunin ang atensyon ng lahat. "Lolita, akala ko may pinaplano na naman kayo... Narinig ko ang pinag-usapan ninyo kahapon."

"Huwag mo ng alalahanin iyon apo. Yung kasal mo ang pag-usapan natin ngayon. Dapat nga ay ang pamilya natin ang tumungo sa tahanan ng magiging byanan mo."

"Pasensya na kayo at nabaliktad yata," ani Don Gerardo na kay papa nakatingin.

Marahang tumawa si papa bago nagsalita. "Ayos lang po. Mabilis ang mga pangyayari. Kahapon lang ay pinapanood ko pa ang anak ko na inaabot ang deploma niya tapos ngayon ay mukhang panibagong deploma na naman ang pangangalagaan ng anak ko."

"Paumanhin po."

"Sorry, pa."

Magkasabay naming hinging paumanhin ni Gabriel. Binitiwan ko ang tinidor at ang kutsara para haplosin ang braso ni papa. Mapang-unawa naman niya kaming tinangoan.

"Malayo po ang Cebu para doon pa ho kayo mamanhikan. Kaya ayos lang na nagsalo-salo tayo ngayon," dagdag pa ni papa.

"Nako... Huwag mong problemahin iyan. Kahit gaano pa man kalayo ang lalakbayin namin para sa pamamanhikan ay wala iyong problema. Wala akong ibang hiniling dito sa apo kong si Gabriel kundi ang makasal... Kaya walang problema sa amin ang gumastos." ani Don Gerardo na malapad ang ngiti kay papa.

"Balae, ikaw ang pagdedesisyonin namin tungkol sa venue ng kasal. Kami na ang bahala sa gagastosin. Hindi na kami makapag-hintay na makasal itong anak ko, eh," ani papa ni Zai Gabriel na madalas ko ng nakikita ang pag-ngiti ngayon.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon