Chapter 2: Demi

3.4K 52 11
                                    

Demi

Gulat na tumambad si Sozzy pagbukas ko ng pinto at sabay pa namin nabigkas ang pangalan ng isa't-isa. She's working here?

"Teka, bakit ka nandito?" tanong ko rito ng makabawi sa gulat.

Pasimple rin akong sumilip sa likuran niya. Sa bandang lamesa kung saan naroon si Zai Gabriel na mukhang binagyo ang itsura. Nako po! Nakatoon ang atensyon nito sa amin at bakas sa mukha nito ang pagtataka ng magtama ang aming mga mata. Aba't... Bakla! Irapan ba naman ako? Kailangan ko na talaga itong harapin.

"Ikaw? Bakit nandito ka rin? Kumusta?" Bumaling akong muli kay Sozzy.

"Uh... Sandali." Hinawakan ko siya sa magkabilang pulso at tinitigan. I missed her at gusto ko pa siyang makakwentohan. Sa tagal naming hindi nagkita nito ay marami siyang dapat sagotin sa mga itatanong. "Sozzy gusto pa kitang makausap at marami akong itatanong pero kasi late na ako. Uhm, Okay lang ba na hintayin mo ako sa labas? Saglit lang naman 'to. O-okay lang? 'Wag kang aalis na naman bigla, please?" Pakiusap ko rito saka sinilip muli si Zai Gabriel. Mataman na itong nakatitig at mukhang naiinip na rin. Lagot!

"Sige. Hihintayin kita." Sang-ayon niya saka lumabas. Ngumiti lang ako dito tsaka pinihit pa-sara ang pinto. Sa ngayon kailangan ko munang harapin ang pinunta ko rito.

Pinahid ko na muna ang tagaktak kong pawis bago tumuloy sa loob. Lakad-takbo ang ginawa ko kanina sa paghahabol ng oras kaya ako pinagpawisan kahit air-conditioned naman ang buong building. Ilang minuto akong late at kinakabahan ako sa paninitig ng baklang nasa harapan ko ngayon. Naroong kumunot ang noo niya at pinanlisikan ako ng mga mata habang lumalapit.

"Sorry po kung late ako." Alanganin akong ngumiti.

Hindi niya ako sinagot. Panay titig niya lang at nag-galawan pa ang kanyang mga panga. Galit yata? Tinaasan pa ako ng kilay tsaka dinampot ang cellphone na nakapatong sa mesa. May pinindot siya doon bago ito dinikit sa kanyang tenga.

Nasa harapan niya lang ako at di man lang pinaunlakang umupo. Mag-aabang na lamang ako ng sasabihin niya. Ngayon ko lang itong nakaharap ng ganitong kalapit. I don't even know how he works with people. Kikilatisin ko pa siya para di ako pumalya sa misyong 'to. Natoon muli ang atensyon ko rito ng biglang umigting ang kanyang panga. Tinambol ng kaba ang dibdib ko. Goodness bat ganito ang reactions ko sa baklang 'to? Pakiramdam ko di ako papasa sa taste niya. Huwag lang niyang sabihin na di na ako matutuloy! Sayang naman.  Hindi lang siguro ako nito inaasahan? O siguro ay naiinip na sa taong tinatawagan sa tagal nitong tanggapin ang tawag. Tinitigan niya ulit ako ng may inis habang haplos ang sariling baba at sinunod ang mga labi. Pakiramdam ko tuloy malulusaw ako sa kinatatayuan ko sa mga paganyan-ganyan niya. Mahirap makipag-deal sa baklang 'to.

"Sorry na-trafic kasi-"

"Ssshh... Sit. And. Stay." Mariin nitong putol sa sasabihin ko at tinuro ang upuan sa harapan niya. Ginawa pa akong aso!

Tumugon parin ako kahit na ang katagang iyon ay para sa mga asong pinapaamo. Nakakababa ng pagkatao hindi naman ako katulad ng isang aso. Nagpakawala na lang ako ng hangin. I should not over think and compare myself to an animal behavior.

"Cindy! Wait." Sagot nito sa kausap. "Ano nga ang pangalan mo?"

Napatuwid ako ng upo at ina-analisa kung sino ang kinaka-usap nito. Kung para nga ba sa akin ang tanong o sa kausap sa cellphone. "A-ako po ba?"

Baka nga kasi hindi ako. Baka kasi hindi si Ms.Cindy ang sumagot ng tawag para rito kaya tinatanong ni Zai Gabriel kung sino ang kausap ngayon. Kung sino ang may hawak ng cellphone nito ngayon.

Mission: Make Him Straight (BC#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon