23

964 34 0
                                    

* W I N T E R *


Nagising ako dahil sa tumamang sinag ng araw sakin. Bumangon na ko at lumabas ng tulugan ko. Paglabas ko hindi ko nakita si Summer. Baka nasa baba na.


Pumunta ko ng cr and do all my business there saka ako bumaba. But still no sign of her. Even Lola, she's not here either. "Good morning, Sir Winter."


"Where's Lola?"


"Maaga pong umalis si Madam. May aasikasuhin lang daw po sya."


"Ah. How 'bout Summer?"


"Si Ma'am Summer po maaga din po umalis. Pupunta daw po sya sa daycare dun po sa may park."


What!? She go there without informing me--- aish. Ano bang pake ko. Hay. Nagpaluto na ko saka bumalik ako sa kwarto ko at pumunta sa table ko. Kinuha ko yung documents na kailangan kong pirmahan.


"Aish!" Damn! I can't focus! Tsk! Bat ba kasi di sya marunong pagpaalam! Hay nako! Makapaglakad lakad na nga lang!


Tumayo ako at lumabas ng bahay. Maglalakad lakad lang ako. Hindi ko sya pupuntahan okay!?


Ewan ko ba pero parang may sarili atang isip tong paa ko at dinala ako dun sa park. Pagdating ko dun ay napakunot ako ng noo.


I saw her with that Samuel guy and she's... crying!? Papunta na sana ko sakanila ng makiya kong hinila sya nito at niyakap. Damn my blood is boiling. Fuck!


Lumapit ako sa kanya at hinila palayo si Summer. I didn't hear anything from her hanggang sa makarating kame sa bahay.


"Damn Summer I told you na wag ka nang lalapit dun sa lalakeng yun diba?"


Tumingin sya sakin. I can see coldness on her eyes. Naninibago ako. "At bakit? Bakit hindi ako pwedeng makipagkita sa kaibigan ko ha? Sabihin mo nga Winter bakit?!" She raised her voice. I-it's new. Damn new. Nagulat ako ng makitang may lumalabas na mga luha sa mata nya.


"Sabihin mo nga sakin, Winter ano ba ko sayo ha?" That caught me. A-ano nga ba...


"Ang sama sama mo Winter alam mo ba yun ha? Ang sama sama mo!" Ha? H-hindi ko alam irereact ko. I feel so confused.


Umalis sya sa harapan ko at naglakad papunta sa table ko saka may kinuhang envelope and slap it to my chest. "Papayag ako na makipaghiwalay sayo. Pero ang kunin mo ang anak ko. Hinding hindi."

"H-how could you--"


"Paano ko nalaman? Ito oh." binuksan nya yung envelope at kinuha yung nasa loob nun. My eyes grew wider ng makita ko kung ano yun.


"Hindi ako bayarang babae Winter. Oo, nabuntis mo ko sa pareho nating di alam ang dahilan. Pero hindi ako ganung tao Winter. Hindi  ko tatanggapin ang kahit na anong halaga galing sayo kapalit ng anak ko. Mahal ko ang anak ko Winter Richards! Papayag akong makipaghiwalay sayo pero never mong malalayo ang anak ko sakin." kumuha sya ng signpen at pinirmahan yun. Matapos nyang pirmahan yun ay lumabas sya ng kwarto.


You're stupid Winter... So stupid.


* S U M M E R *


Napagdesisyunan kong umuwi muna sa bahay namin ni Kuya. Nasasaktan pa rin ako tuwing naalala kong mali pala ang taong pinagkatiwalaan ko ng buo. Maling mali pala.


"Oh Helen!"


"Hi Ash!" Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.


"Ginagawa mo dito? Asan yung asawa mo?"


"Bumibisita. Gusto ko munang magstay dito for days. Namiss ko na tong bahay eh. Asan nga pala si Kuya?"


"As usual, trabaho. Ano pa bang bago?" Ngumiti ako saka kumuha ng kinakain nya.


"HOY."


"Oh?"


"Nag-away kayo no?"


"Psh. Hindi ah. Gusto ko lang talaga mag stay dito."


"Wag ako Summer Helen. Wag ako hindi mo ko mauuto. Tignan mo nga yang mata mo magang maga! Sabihin mo ano na namang nangyare?"


"W-wala..." damn. My voice is starting to crack.


"Hay nako, ikaw talaga. Masama sa bata yan eh." lumapit sya sakin at niyakap ako. At ayun na nagsimula nang magunahan yung luha kong lumabas. Iyakan day ba ngayon?


"Ang sakit Ash. Ang sakit sakit."


"Sige, iiyak mo lang yan."


"Ang sakit na kung kelan ako nahulog sa kanya saka ko marerealize na mali palang pinagkatiwalaan ko sya. Ash.. kukunin nya yung anak ko Ash. Natatakot ako."


* A S H A N T I *


Dahan dahan kong isinara ang pinto ng kwarto ni Helen.


Gagong Winter yun!!! Walang kwenta talaga!


Sasabihin ko ba kay Harold? Kaso mabibeastmode yun eh! Baka masira niya bungo nung Winter na yun.


"Ash---"


"Ay putangina mo ko! Ano ba Harold! Uso ba manggulat talaga!?"


"Sorry. Nakita ko yung bag ni Helen. Andyan siya?"


"Oo, pero tulog na sya."


"Bakit daw pumunta dito? Nag-away sila? SINAKTAN BA SIYA NUNG RICHARDS NA YUN!?"


"Wag OA, baby. Wala. Nabobored lang daw siya dun sa bahay nila kaya dito daw muna siya."


"Ah mabuti naman. Malaman ko lang na sinasaktan nung lokong yun ang kapatid ko, magtatapat talaga kaming dalawa."


Sinasaktan na siya, Harold. Ha. If I could only say that.

No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon