* S U M M E R *
Hinila ko papasok ang mga maleta ko saka ko inilibot ang tingin sa bago kong tutuluyan. Simple lang 'to, hindi gaanong kalakihan pero sapat na para sa isang tao. Malinis din ito at pwedeng pwede nang tuluyan.
"Don't hesitate to call me if you need anything, okay?"
"Yes, Ma'am. Thank you very much." Nginitian ako ng may-ari ng tutuluyan ko saka siya tuluyang nagpaalam.
Pumunta ako sa pwesto kung nasaan ang kama. Naupo ako roon at tumingin sa salaming nasa harap ng kama. WASTED. Isang salita na pwedeng maglarawan sa itsura ko ngayon.
One after another tear came out from my eyes. It's painful to say goodbye to someone that you don't want to let go but you know what's painful? Yung nangyare sakin. Yung pagtulak niya sakin palayo.
It's still fresh as hell how he push me away. What he said and all. Sariwang sariwa pa yung sakin yung sakit na naramdaman ko nung gabing yon.
I decided to go away. Lumayo ako pero alam mo yung nakakatanga? Kahit lumayo ako, kahit anong sabihin ko sa sarili ko, hinding hindi ko makakalimutan yung mga panahong masaya kami. Panahong mahal niya ko, mahal na mahal.
Siguro nga martyr na ko. Kasi kahit gaano yung sakit na nararamdaman ko ngayon, kahit ano mang itatak ko sa isipan ko ngayon, alam ko, mahal na mahal ko pa rin siya.
I still love him. I still want him. I want him on my side. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko at sabihing okay lang kahit ganunin niya ko.
Pero... Hindi na pwede. Kasi nangako ako na hindi na ko magpapakatanga pa. Nangako ako na... hinding hindi na ko magiging mahina.
"Sa umpisa lang 'to mahirap, Summer. Kakayanin mo 'to. Kakayanin mo 'to para sa sarili mo at para kay Autumn."
I caress my big belly. From now on, it's all about Autumn. Gagawin ko ang lahat para sa anak ko. Gagawin ko ang lahat para hindi siya masaktan. "Hinding hindi ko hahayaang saktam ka nila, Autumn. Mommy will be strong for you and I will protect you, no matter what."
---
"Kuya, I need to do this, hindi pwedeng andito lang ako at nakatanga sa bahay."
"Helen, I already allowed you to move there kahit ayaw ko. Kahit labag sa loob kong paalisin kayo ni Autmn sa puder ko. But this is another thing, Summer Helen Fernandez!"
BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')