53

891 34 6
                                    

EDITED.


* S U M M E R *



Hanggang ngayon ay nakatitig pa rin ako sa screen ng cellphone ko. Kinakabahan ako. Hindi ko alam ang irereact ko. 


I got a text from Sam saying that she wants to meet me. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Ayokong pumunta pero may parte akong nagsasabing pumunta ako.


Alam kong may kinalaman kay Samantha ang nangyare kagabi kay Winter. Hindi naman maglalasing ng ganun si Winter kung hindi siya naapektuhan. Alam kong mahal na mahal pa rin ni Winter si Samantha. Ayoko mang aminin sa sarili ko pero nakikita at nararamdaman kong hindi buo ang pagmamahal sakin ni Winter dahil nga may kahati pa ako, at yun ang si Sam.


"Babe." Agad akong napatago ng cellphone ko nang marinig kong nagsalita si Winter. Humarap ako sa kanya. "Y-yes Babe? M-masakit pa ba ulo mo?" Tumayo ako at lumapit sa kanya.


"Medyo."


"Papasok ka ba? Wag ka na kayang pumasok? Magpahinga ka muna." Umupo ako sa tabi niya at hinawakan yung noo nya. Nilalagnat pa rin sya. Ang kulit kase eh. Ayaw uminom ng gamot.


"Hindi pwede. May meeting ako eh." Ito na naman siya sa hobby niya, ang yakapin ako.


"Cancel it. Hindi ka naman pwedeng magmeeting ng may sakit ka, 'no!"


"Hindi nga pwede. Uuwi na lang ako agad pagtapos."


"Psh. Sige, pero magpahatid ka kay Manong. Ayokong magdrive ka." Ipinatong niya yung ulo nya sa balikat ko. "Yes Babe."


"Magluluto ako. Anong gusto mo?"


"Ikaw." Pinalo ko yung kamay nya. "Pervert!"


"Hahahahaha. I'm just joking Babe! You're really cute when you're blushing! Haha!"


"Baliw. Tsk! Alis nga magluluto ako!"


"Sorry na, Babe? Ha? Bati na tayo."


"Para kang bata! Hahaha! Oo na. Sige na. Bababa na ko, magluluto lang ako."


"Okay." Tumayo na ako at bumaba. Bakit ganto? Pakiramdam ko... may mangyayareng masama. B-bakit.


Iniling ko na lang yung ulo ko at nagpatuloy na lang ako sa pagluluto ko. Nagluto ako ng soup para sa pagpawisan sya at bumaba kahit papano yung lagnat nya. Saktong pagtapos ko magluto ay bumaba na siya. "Ang bango naman!"


Umupo na siya. Nilapag ko sa harap nya yung soup. "Kumain ka nyan para pagpawisan ka at magkaenergy ka. Uminom ka din ng gamot."


"Babe, may narealize ako."


"Ano yun?"


"Ang swerte ni Autumn sayo. You'll be a great mother to her. Napakaswerte nya."


"She's also lucky to have you as her Dad. Gwapo na, responsible pa sweet pa. Hahahaha. Leien is such a lucky child." Umupo ako sa harap nya. I just watch him eating. "Ganun talaga, Babe. Syempre Winter Richards ata ang Daddy nya."


"Ang hangin, Babe. Ang hangin! Hahahaha! Kumain na nga lang tayo!" Ngumiti lang siya sakin. He's really handsome. Sino kaya magiging kamuka ni Leien no? Haha.


No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon