I woke up early para magprepare ng breakfast ni Winter. Medyo nananakit yung tyan ko siguro dahil 'di ako ganun kacomfortable.
Naligo muna ko bago ko bumaba para magluto. Pagbaba ko, I saw Manang Lucy. "Good morning po, Nanay Lucy."
"Good morning din, Iha. Ba't ang aga mo ata nagising? Nasusuka ka ba?"
"Hindi po. Magpiprepare lang po ako ng breakfast ni Winter eh. Pwede nyo po ba kong tulungan?"
"Oo naman. Lika na." Nagnod ako saka ako sumunod kay Nanay. I prefer calling her Nanay than Manang.
"Alam nyo po ba kung anong klaseng heavy meal ang gusto ni Winter?"
"Mahilig sya sa kanin. Ano kaya kung gumawa tayo ng rice rolls? Sigurado magugustuhan nya yun."
"Sige po. Buti na lang po marunong ako nun."
"Ang swerte ni Leigh sayo."
"Swerte rin naman po ako sakanya."
"Bata pa lang yan si Leigh, alaga ko na yan. Masungit lang yan pero mabait na bata yan." Pagkwekwento ni Nanay habang naghihiwa kami ng ingridients. "Laging nakasigaw pero sobrang lambing nyan. Kahit 'di halata mapagmahal yan. Mahilig din yan sa mga bata. Sigurado ako magiging mabuting ama yan sa magiging anak nyo."
"Alam ko po yun. Alam ko po na kahit 'di po nya pinapakita na nag-aalala po siya para samin ng anak namin. Ay Nay, ako na po tatapos nyan. Baka po may gawin pa kayo."
"Eh, baka mapagod ka."
"'Di naman po nakakapagod ang pagluluto. Ako na po. Pahinga na lang po muna kayo."
"Sige, tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka ha?"
"Opo." Ngumiti sya saka sya lumabas ng kusina. Kinuha ko yung natapos nang hiwain na ingredients saka niluto yun. After 15 minutes tapos na ko. Umupo muna ko. Nahihilo ko.
Ang hirap ng pagbubuntis ko. Lagi akong nahihilo. Normal lang naman siguro 'to. Tumayo ako saka pumunta sa kwarto. Ihahanda ko naman yung damit nya.

BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
Fiksi PenggemarNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')