* S U M M E R *
"Ang tagal." Tinignan ko yung phone ko. I've been waiting for an hour already? Hay. Kahit kelan talaga.
Nandito ko ngayon sa mall. I'm gonna meet someone special. A super special one.
Since 'di na ko masyadong nakakaalis at siya naman busy dahil siya ang nag-aassist kay Kuya everytime na may photoshoot 'to (He's a professional photographer, btw) dagdag mo pa yung trabaho nya sa company ay 'di na kame nagkikita masyado so we decided na magkita ngayon. Sayang nga 'di makakasama si Kuya dahil may meeting sya.
"Heleeeeeen!!" Lumingon ako at nakita ko syang tumatakbo papalapit sakin. Nang makalapit sya ay agad ko syang niyakap. "Namiss kitaaaa."
"I missed you too!"
Humiwalay sya sa yakap at tinignan ako from head to toe. "Nananaba ka! So, ano musta naman pagbubuntis mo? Ayos naman ba? Mahirap? Ano! Sabihin mo na dali!"
"Wait Ash ang dami mo namang tanong!"
"Hahahahaha! Sorry na! Medyo nadala lang! Hahaha! Tara, saan mo gusto pumunta? Madami tayong pagkwekwentuhan!"
"Bookstore."
"Na naman!? Ano ba yan! Pero, sige dahil namiss kita. Sige, lika na." Ngumiti ako saka ako nagcling sa kanya. Habang papunta kame sa bookstore ay magkwekwento lang ako about sa pagbubuntis ko.
"Ang hirap pag may morning sickness ako. Soooobrang nakakapanghina."
"Masasanay ka din nyan! Oh dito na tayo. Ano bang balak mong bilin?"
"Some children's book. According dun sa nabasa ko. It's good for babies na binabasahan sila while they are still in womb."
"Grabe. Mother material ka talaga ever! The description of a perfect mother really suits you!"
"Haha. Hindi naman."
"Sus, pa-humble ka pa! Ay ito maganda 'to. May lesson yan. Good for baby." Kumuha sya ng libro at binasa. Nagpaalam ako na maghahanap lang ako at um-oo naman sya. She's hooked to that book. Hahaha.

BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')