8

1K 33 0
                                    

I look at myself at the mirror. Bloated face and eyes... Pathetic.



I touch my tummy again... Baby, please tell Mommy what to do... Hmm?



Nag-ayos na 'ko saka umalis. Though, I still don't know what to do. I guess, I'm just going to tell it to him. It's his right after all. Kung 'di nya panagutan then... sorry.



But first, sa tingin ko may dapat akong puntahan for now. To say... sorry again.



I rode a taxi and go there. As soon as I got there, all those memories came back.



Bumaba na ko ng taxi at unti unting lumapit doon. Kelan ba huling balik ko? 10 years ago?



Umupo ako sa grass at saka nilinis yun gamit yung kamay ko.



"Hi Ma. Hi Dad... I-I'm back." Tears start racing down to my cheeks. Feeling ko ang sama sama ko.



It's been 10 years simula nung dinalaw ko si Mama at Daddy dito sa puntod nila. Hindi ko pa kasi kaya nun eh. Hindi ko pa kasi kayang makita na nandito na sila... At ako ang dahilan nun.



Hindi ko pa nga nababayaran yung kasalanan ko gumawa na naman ako... "Ma. Dad. I'm so sorry po. Sorry kung napakasama ko. Sorry kung... kung gumawa na naman ako ng kasalan sa inyo. You once told me na dapat gawin ko lang ang bagay na yun pag nakasal na ko, pagnahatid niyo na ko sa harap ng altar and yet, hindi ko na naman kayo sinunod. Nung time na yun, k-kung sinunod ko kayo na 'wag nang lumabas pa sa kotse edi sana magkakasama tayo ngayon, masaya at hindi mangyayari sakin ang lahat ng ito. Promise ko po patuloy kong pagbabayaran yun. Ma, Dad... Hindi ko na kaya. Hindi ko na po alam gagawin ko. B-buntis po ako. Hindi ko na alam gagawin ko tulungan nyo ko... please Ma, kailangan ko kayo... Hindi ko na po kaya..."



I stay there for hours. Finally my tears stop. Para kong nabunutan ng tinik ng masabi ko lahat ng gusto kong sabihin kina Mama. Alam ko kahit wala sila dito naririnig nila ko. Tumayo na ko at pinagpag yung palda ko. "Ma, Dad. Alis na po ako. Sorry po ulit. Sana po, tulungan nyo ko." Nagbow ako at saka tuluyang umalis.



I decided to ride a bus para mas makapag-isip pa ako ng matagal. Ano ba talagang gagawin ko...



Ang mas pinoproblema ko pa ngayon ay kung pano ko ipapaalam 'to kay Kuya.. at syempre sa kanya.



Napansin kong malapit na ko kaya tumayo na ako. Nang makababa na ko, lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Naglakad na ko papunta sa opisina namin. Kinakabahan talaga ko, parang anytime babagsak ako dahil nanghihina na ang tuhod ko.

No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon