* S U M M E R *
Ramdam na ramdam ko ang pagbasa ng pisngi ko dahil sa luha ko. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nanginginig ang buong katawan ko.
"I'm begging you, Summer. Please let me go."
Lagi kong sinasabing hindi ako susuko. Okay lang kahit hindi okay basta hindi ako susuko pero paano kung... ganito? Paano kung siya na mismo ang nagmamakaawang sumuko na ako?
"Winter---"
"Sabi ng Doctor, kaya kong alalahanin ang lahat kung gugustuhin ko. Kaya kita makilala kung nanaisin ko---"
"Pero hindi mo magawa kasi ayaw mo. K-kasi... Tuluyan mo na kong kinalimutan. Tuluyan mo na kong binura sa isipan mo, hindi ba?" Pagtuloy ko sa sinabi niya. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. "Winter... Ito ba talaga ang gusto mo?"
Tumayo siya at tinignan ako sa mata. "Oo, Summer. Ito ang gusto ko. Gusto kong magalit ka sakin. Gusto kong iwanan mo ko. Gusto kong sumuko ka na kasi... ako mismo sumuko na. Sumuko na akong alalahanin ang memorya kong nawala. Kaya, please... Iwanan mo na ko."
Tuloy lang sa pagtulo ang luha ko. "Pero bakit..."
"Kasi Summer ayoko na. Pagod na kong pilitin ang sarili ko. Pagod na kong makita ang taong ni hindi ko maalala, nagpapakahirap para sakin."
"Okay lang naman eh, okay lang mahirapan ako---"
"Hindi okay. Hindi ka okay. Hindi okay sayo. Please Summer, sumuko ka na kasi wala nang pag-asa! Walang wala na! Mababaliw na ko pag pinagpatuloy panatin 'to!"

BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')