* S U M M E R *
Anong oras na pero wala pa rin si Winter. Nag-aalala ako kase ang lakas ng ulan sa labas kaya ito hindi ako makatulog. Nandito ko ngayon sa sala at hinihintay si Winter. Hindi rin siya sumasagot sa mga tawag at texts ko. Nag-aalala na ko.
Ayoko maging negative pero bakit feeling ko may nangyareng hindi maganda? Hay.
Napatayo ako ng biglang bumukas yung pinto. Agad akong tumakbo papunta dun at nakita ko si Jackson at Candice na dala dala si Winter. "A-Anong nangyare?"
"Pumunta sya sa bar nang basang basa tapos uminom ng uminom dun hanggang sa ito knock out." sabi ni Candice habang pinapagpag yung payong na dala nila. Tinignan ko si WInter. Bat sya naglasing? Ano bang nangyare?
"Dalin ko na to sa kwarto nyo ha?"
"S-sige. Thank you Jackson." tumango lang sya saka niya inakyat si Winter. "Oh. Gamit nya. Wag kang masyadong mag-alala baka mastress ka mapaano pa si Autumn. Just calm down okay? Magiging okay din ang lahat." tumango na lang ako saka kinuha yung gamit ni Winter.
"Yeah, thanks." nakita kong bumaba na si Jackson galing baba. "Palitan mo na lang sya ng damit medyo basa pa kase sya. Una na kame ha? Ikaw na bahala kay Winter."
"Sige. Thank you talaga Jackson, Candice. Ingat kayo."
"Wala yun. Just stay strong for Winter. May pinagdadaanan lang yan. Aayos din ang lahat. Alis na kame ha?" tumango ako. Lumabas na sila ng bahay. Agad akong umakyat sa taas para asikasuhin si Winter.
"Ano bang nangyare sayo, Babe?" he looks so wasted. Kumuha ako ng basil na may maligamgam na tubig saka towel. Pagbalik ko nakaupo na sya habang hawak yung ulo nya.
"Babe, mas---"
"Lumayo ka sakin."
"B-Babe. L-lasing ka la---"
"DI KA BA NAKAKAINTINDI!? SABI KO LUMAYO KA SAKIN!" his eyes... nakakatakot yung mata nya. Punong ouno ng galit yung mata nya. "S-sige." tumalikod ako at lumabas ng kwarto. Bumaba ako sa kusina at uminom ng tubig.
This is it. Nagbago na naman sya. Tears starting to race down. Akala ko ba mahal na nya ko? Bakit... bakit ganto na naman sya... Naguguluhan ako. Ano ba talaga Winter. Bat ka ba ganyan?
---
Nagising ako ng may biglang yumakap sakin. "Babe, I'm sorry."
Napatungo ako. I feel like crying again. "I-it's okay." hinawakan ko yung kamay nya. Naramdaman kong mas humigpit pa yung yakap nya sakin. "No. Mali akong sinigawan kita ng ganun. I'm really sorry. Hindi na mauulit." napangiti akong ng mapait. Here he goes again. Pabago bago. "Please wag ka magsasawa sakin."
Tinanggal ko yung yakap nya at humarap sa kanya. "Hinding hindi pero sana Babe, wag paulit ulit ha?" he nod. Lumapit sya sakin lalo at pinatong yung ulo nya sa balikat ko. Napalake akong ng mata ng maramdaman kong sobrang init nya. Agad kong hinawakan yung leeg nya at ang taas ng lagnat nya. "Babe nilalagnat ka."
"I'm oka---"
"No you're not. Lika umakyat tayo." hinawakan ko yung kamay nya at hinila sya paakyat. Pinahiga ko sya agad. Kukuha na sana ko ng gamot ng bigla nya kong hilain kaya napatumba ako sa ibabaw nya. Niyakap nya ko ng mahigpit. "Just stay like this. Gagaling na ko."
"Kukuha lang ako ng gam---"
"I don't need medicines. I just need you. Please just stay like this Babe. Wag mo kong iiwan."
"Hindi naman kita iiwan eh. Kukuha lang ako ng gamot mo."
Lalo nyang hinigpitan yung yakap nya sakin. "Hindi ko nga kailangan ng gamot. I just need you by my side. Okay na ko." napangiti naman ako. "Wag na wag mo kong iiwan ha babe?"
"Hinding hindi."
"Mahal na mahal kita."
"Mahal na mahal din kita..." sana... lagi na lang kameng ganto. Sana lagi na kameng masaya. Sana...
BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')