"S-sorry." Inalis niya ang pagkakayakap niya sakin saka agad na tumayo sya at naglakad palayo sakin. Tumayo din ako hinabol sya.
"W-wait..." Tumigil sya pero 'di sya lumingon sakin. "A-anong pangalan mo?"
"Soon... Soon you'll know." Humarap sya sakin at naglakad papalapit saka pinunasan yung luha ko. "Stay strong okay? S-sorry, I can't do anything for you."
I shook my head. "Meron. Ito oh. You gave me ice cream to make me feel alright. Thank you very much, Mr. Gwapong Admirer. I owe you."
Nagulat ako nang bigla nyang ipinatong ang kamay niya sa ulo ko at marahan na ginulo yung buhok ko. "It's nothing. Sige aalis na ko! See you around. Bye!"
"Bye!" I wave hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.
Napahawak ako sa dibdib ko. Medyo mabilis pa rin ang tibok nun katulad nung niyakap niya ako kanina. Why do I feel so comfortable with him? Sino ka ba, Mr. Gwapong Admirer?
Kakainin ko na sana yung ice cream ng makakita ko ng batang nakatingin sakin. Nilapitan ko sya saka lumuhod sa harap niya para magkapantay kami. "Gusto mo ba 'to, little girl?" She nods. Kinuha ko yung kamay niya at ipinatong doon ang ice cream na hawak ko. "Eat well."
"Thank you po, Ate." Medyo bulol pero sobrang cute niyang sabi. Matataba ang pisngi nito at mamula-mula. Napakacute.
Tumayo na ako sa nagpaalam sakaniya.
Habang naglalakad ako ay hindi mawala sa isip ko si Mr. Gwapong Admirer at yung bata. Sino kaya si Mr. Gwapong Admirer? Paano kaya niya nalaman ang mga bagay na yun tungkol sakin? Bakit napabilis niya yung tibok ng puso ko nung niyakap niya ko? At... maging kasing cute kaya ng batang iyon ang magiging anak ko?
Napatigil ako sa paglalakad ng bigla kong nahilo. Buti na lang at may malapit na puno dito kaya nakahawak agad ako. Minamigrane na naman ata ko.
Nang um-okay ang pakiramdam ko ay nagdesisyon na akong umuwi na lang at hindi na bumalik pa sa office. Magpapaliwanag na lang ako bukas. Hay, Summer. Lagot ka talaga.
* W I N T E R *
Napatingin ang lahat nang tumakbo siya papalabas. Is she trying to get attention!?
![](https://img.wattpad.com/cover/22911903-288-k958551.jpg)
BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')