39

870 34 13
                                    

* W I N C E Y *


"Mommy, I want to stay here. "


"We can't Anna, we have to go. Pack your things now. Just leave some clothes."


"You said we're gonna stay here for a month. Why did you suddenly changing your mind. I'm mad at you." she said saka lumabas ng kwarto. Ipinikit ko yung mata ko at bumuntong hininga.


Naiintindihan ko si Anna. Malungkot dun sa bahay namin kase kami lang dalawa unlike here nandito ang Lola, Uncle and Aunties. Lalo na nandito pa si Phenelope.


Ayoko pa din namang umuwi. The thing is... yesterday... I bump into him. Yes, Anna's father. Kahapon, nung nalaman kong niyaya ni Sam si Summer na magmall sinundan ko sila. I'm afraid that Sam might hurt Summer but unexpectedly, nakasalubong ko sya.


"L-Lauren! Is that you? Anong ginagawa mo dito? It's been years. Musta ka na?"


"H-Harold." I honestly want to cry that time. But I have to be strong. Gusto kong aminin sa kanya lahat lahat pero nawawalan ako ng lakas ng loob.


"Musta ka na? Kelan ka pa dumating?" I missed him so much. 5 years ko syang hindi nakita. I'm longing for him. So does his child who's longing for her father.


"K-kahapon lang."


"Ganun ba? Pumayat ka ha. Ano bang pinaggagagawa mo? Wag mong pabayaan sarili mo ha? Panget ka pa naman pag pumayat ng sobra." and there he goes again with his super caring personality. The personality of him which made me fall for him.


"I'm not! Dyosa pa rin ako mapayat man o mataba!" I tried to be sound cheerful.


"Kahit kelan dinaig mo talaga yung electric fan sa lakas ng hangin! Hahaha! Ay oo nga pala, si W---"


"Harold!" It's her... so sila pa rin. Ang tatag nila ha. "Oh Ash. Look, si Wincey oh remember her?"


"Yeah. Hi Wincey!"


"A-ah hi. A-ano una na ko. May lakad pa kasi ako. Bye." hindi ko na hinintay pa yung sagot nila nun at umalis na ko. Agad akong sumakay sa kotse at umiyak ng umiyak.


Akala ko okay na sakin na ako lang ang nagpapalaki kay Anna. Akala ko nakalimutan ko na lahat ng nangyare. Akala ko malakas na ko. Pero bat ganun? Lahat ng yun nawala sa isang iglap? Lahat ng preparation ko para sa pangyayareng yun nawala parang bula?


"Ate." napapunas agad ako ng luha ng biglang pumasok si Summer. Tumayo ako at tumalikod. "B-bakit?"


"Nanjan po kase yung Kuya ko dumalaw. Y-yayayain po sana namin kayong kumain."


"Ah sige susunod na lang ako! Dapat masarap yung foods ha? Hahaha!" Sabi ko habang nakatalikod pa rin. Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin mula sa likod.


"Kaya mo yan Ate. Kung ano mang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo yan. Lahat ng Mommies ay malalakas. Kaya natin to." Napakagat ako ng labi ko. Naiiyak ako sa mga pinagsasabi nitong Summer na to! Nakakainis!


"Hahahaa! Oo naman! Kaya natin to. Tayo pa. Hahaha. Sige susunod na lang ako dun. Mag-aayos lang ako."


"Sige po Ate. Una na po ko."


"Okay." narinig kong nagsara na yung pinto. Ang swerte talaga nung ugok kong kapatid dun sa asawa nya. Tsk. Pag talaga sinaktan nya ulit si Summer sisiguraduhin kong baog na sya bago pa nya mahiwalayan si Summer! Hahahha!


Naghilamos muna ko saka ako nag-apply ng light make up. Aba syempre dapat ako ang dyosa no! Hahaha!


Nagpalit din ako ng damit. Holler! Nakasando at shorts lang kaya ko! Baka isipin pa nung Kuya nya inaakit ko sya no! Hahahaha. Ang dumi ng utak ko! Hahaha!


Sinuklay ko yung buhok ko saka ako lumabas ng kwarto. Ewan ko ba pero bigla kong kinabahan.


Lalong lumakas yung kabog ng dibdib ko ng marinig ko yung boses. Shit. Mukang kilala ko yun ah. No.


Bumaba na ko. Nakatalikod sa way ko yung lalake. Damn. "Ay Kuya, ito nga pala Ate ni Winter, si Ate Wincey. Sya yung Mommy ni Anna."


Tumayo yung lalake at humarap sakin habang karga ni Jess. "Lauren!" Fuck. Summer's brother is no other than... Spring Harold Fernandez. Brianna's Father.

No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon