54

741 32 17
                                    

CHANGES OF PLOT STARTS FROM LAST CHAPTER. I EDITED CHAPTER 53. RE-READ IT IF YOU WANT. WAG KAYONG MALILITO, OKAY?

***


* S U M M E R *

Bumaba ako ng taxi matapos kong makapagbayad. Naramdaman ko agad ang pag-init ng gilid ng mata ko nang makita ko ang puntod nila Mama. Lumapit ako at naupo sa harap nito.

Malinis ito. Malamang laging dumadalaw si Kuya dito. How ungrateful child am I, right? Ako ang dahilan kung bakit sila andito and yet, hindi ko man lang sila madalaw.

"Ma, Dad. Sorry po ngayon lang ako nakadalaw. Kamusta na po kayo dyan? Ako po, hindi ko alam kung okay ako. You know what, Ma, Dad, for the very first time po, naging matapang ako. Sinabi ko po na hindi ko iiwan si Winter kahit ano pong mangyari. Ma, Dad, p-pleade guide me. Please tell me what to do. Hindi ko na naman po alam ang gagawin ko. I feel lost again. Natatakot po ako. Please, Ma, Dad. Help me."

I cry all I want. Medyo lumalamig na rin ang paligid dahil pagabi na. Nang maramdaman kong medyo um-okay na ang pakiramdam ko ay tumayo na ako.

Papalakad na sana ako nang makaramdam ako ng tubig. I look up at unti-unting lumakas ang ulan. Agad akong tumakbo at sumilong.

Napahawak ako sa tyan ko nang may maramdaman doon. "Are you kicking, Autumn?" Tila ba sinagot niya ako nang maramdaman ko ulit ang paggalaw niya.

I caress it. "Yes, baby. Mommy will be strong. Hindi papatalo si Mommy kay Samantha. Haha."

Napayakap na ko sa sarili ko nang lalong lumakas ang ulan. Hindi naman ganun kalayo ang gate pero ayoko namang sumulong dahil baka magkasakit ako.

I grab my bag and look for my phone pero hindi ko iyon nakita. Naiwan ko ata iyon da bahay. Tinignan ko ang orasan at nakita kong past 6 na ng gabi. Paniguradong nag-aalala na si Winter.

Nag-antay pa ako. Mga alas syete na nang may makita akong guard. "Kuya!"

"Oh, Ma'am! Ano pa pong ginagawa niyo dito? Gabing gabi na po. Nako! Buntis pa naman kayo!"

"Wala po kasi akong payong. Pwede niyo po ba akong ihatid sa gate para po makasakay ako ng taxi?"

"Sige po, Ma'am! Pero mukhang mahihirapan po kayong sumakay ng taxi dito. Marahan na po kasing may dumaan dito ng ganitong oras."

"Ganun po ba? Paano yan?"

"Dun na lang po kayo sa may guard house mag-antay, Ma'am. Isusuyo ko na lang po kayo ng taxi."

"Talaga po? Maraming salamat po!"

"Walang anuman, Ma'am. Delikado na rin po ng ganitong oras, baka po mapapaano kayo. Buntis pa naman kayo." Tulad ng sabi ni Kuya ay sa loob ako ng guard house nag-antay. Medyo natagalan pero okay na dahil nakasakay na naman na ako.

Alas diyes na rin nang makarating ako sa bahay. Ramdam ko ang sobrang pagod. Tahimik sa buong bahay. Wala pa ata si Winter at Lola. Na stuck din kaya sila sa traffic?

Kumuha na muna ako ng tubig bago ako umakyat sa kwarto. Ibinaba ko ang bag ko at pumunta sa gilid ng kama para kunin ang cellphone ko.

Inilapag ko sa side table ang basong hawak ko saka ako umupo sa kama para icheck ang cellphone ko. Maraming text at missed calls ang nandun. Mostly from Winter at Kuya. Miski sina Phenelope, Rae at Candice ay may mga missed call din.

No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon