* S U M M E R *
Another month has passed. Kabuwanan ko na at inaantay na lang na pumutok ang panubigan ko. Kiel and Mommy Aimee insisted to admit me para ready na daw. Due date ko na rin kasi sa isang araw kaya naman nagreready na kami.
Mommy Aimee is Kiel's mom. Kung paano kami naging close, hindi ko na matandaan pa. Basta ang naalala ko, she just appeared and there~ naging close na kami. Haha.
Kung kay Kiel, alagang alaga na ako, mas lalo naman kay Mommy Aimee. She's taking care of me like her own daughter. She's actually a Doctor. Kaya naman ayun, doble doble ang pag-aalagang natatanggap ko ngayon.
Andito na rin sina Kuya at Ash. I'm actually expecting Kuya to be mad or what dahil tinago ko sakaniya na kinakasama ko na si Kiel, but he didn't. He's actually thankful to both Kiel and Mommy.
"Wala yun! Gusto ko rin naman ang ginagawa ko para kay Summer. She's like my own daughter in law, kaya masaya ako. Also, napamahal na rin sakin si Summer at Autumn. Actually, mas mahal ko na ata sila kesa kay Kiel at Ela! Hahahaha!"
"Mom, nagseselos na talaga ko!"
"Shut up, Ela. Sabi sayo mag-asawa ka na eh! Like heller! You're turning 32 next week!"
"Mom! I'm only 30! Fyi!"
"Whatever! Mawawala na sa calendar ang age mo, ni jowa wala ka pa!"
Mommy Aimee really lives up the mood. Masayahin siya. Ibang iba kay Kiel na mahiyain at bossy saka kay Ela na masungit haha.
Sabay sabay kami napatinin sa pinti nang bumukas yun at pumasok si Kiel. "Here. I pack some clothes for you. Pati mga gamit ni Autumn andito na. Also yung pinapadala mong libro andito. May gusto ka bang kainin?"
"Wala. Busog pa naman ako. Thank you, Kiel~"
"Waaaaa! Harold! Kinikilig ako! Ganyan ka din ba pag nanganak na ko?" Napatawa na lang kaming lahat sa reaksyon ni Ash. Ang kulit talaga nito at mas lalo pa siyang kumulit dahil sa pagbubuntis niya.

BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')