1

1.8K 42 1
                                    

* S U M M E R *



"Sum! Pabili naman nito!"



"S-sure!"



"Summer! Paki-photo copy 'to!"
 



"O-opo!"



"Fernandez!!! Yung coffee ko! Asan na!?"



"A-ano... N-nandyan na po! Wait!"
 



"Summer!!!"



"A-ano?"



"Pumunta ka nga sa basement kunin mo 'tong mga 'to. Dalian mo!" Saka niya nilapag sa table ko yung list. Sigh. Ang dami nilang utos. Hay. Kaya mo yan,  Summer. Fighting!



Naglakad na ko papunta sa elevator nang may tumawag na naman sakin.


"Helen!!!" Oh no. Bukod kay Kuya, siya lang naman ang tumatawag sakin ng ganyan. Nako, Summer. Lagot ka na naman.



"Ash..." Galit siyang naglakad palapit sakin at saka ako pinitik sa noo. "Aray!"



"Ano ba yan ha?! Bakit mo sila sinusunod?! Paalala lang may paa at kamay sila, Summer Helen! At paalala ulit, HINDI KA UTUSAN! Marketing accountant ang trabaho mo dito hindi yaya!"
 



"Aray naman Ash. Sorry na. Hindi ko lang kayang t--"
 



"Hindi ko lang kayang tumangi. Baka kasi nahihirapan sila kaya sila nagpapatulong sakin." Panggagaya nya sakin. "PESTE NAMAN HELEN! Wag ka ngang masyadong mabait okay?! Inaabuso ka na nila! Can't you see that?! Gosh!"



"Sorry na, Ash."
 


"Helen naman kase. Ayoko lang nahihirapan ka..." Lumapit sya sakin at saka ko niyakap. "Pare-parehas lang tayo ng sinusweldo. Kaya hayaan mo sila sa trabaho nila, okay?"



"I'll try."



"You should!"



No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon