55

776 33 8
                                    

* S U M M E R *



Tuluyan nang nawalan ng lakas ang tuhod ko. Yung luha ko naman wala na atang balak tumigil.



Naramdaman ko ang pagyakap sakin ni Lola. "Summer dear. Be strong. He will be safe. Winter will be safe."



Gusto kong sumang-ayon. Gusto ko magsalita pero hindi ko magawa. Paulit ulit ko lang naririnig ang sinabi ni Lola.



"Naaksidente siya on his way home. He's critical."



I can't think of anything. Ayaw magprocess ng mga bagay bagay.



Yung malakas na tunog kanina... Y-yung narinig kong malaks na pagbangga...



Tumayo ako kahit nanghihina ang tuhod ko. Dare-daretso akong naglakad papuntang pinto pero napatigil ako nang bumukas iyon. "Summer."



"C-Candice... Jackson..." Bakas sa mulha nito ang pag-aalala. Agad akong niyakap ni Candice. "Summer."



"Candice, kailangan ko puntahan si Winter. Kailangan ko siya puntahan. Kailangan ko siya makita. Kailangan kong masiguradong ligtas siya. Kailangan---"



"Summer, kumalma ka!" Hinawakan ni Jackson ang balikat ko. "Don't stress yourself, please. Alalahanin mo ang anak mo."



"P-pero---"



"Right now, ikaw ang dapat magpakatatag Summer. You have to be strong. Hindi lang para sa sarili mo, kundi para kay Autumn at Winter. Please, Summer."



Nakatingin lang ako kay Candice habang patuloy na umiiyak. Gusto ko silang sundin. Gusto kong kumalma pero hindi ko magawa.



Pinainom nila ako ng tubig. Sinuotan ako ni Lola ng jacket. "Malakas si Winter. Lalaban siya para sainyo ni Autumn. He will be safe, okay?"



Buong byahe papuntang ospital ay nakayakap sakin si Lola. Nanginginig ang buong katawan ko. Ramdam ko din na ganun din si Lola.



Napahawak ako sa tyan ko. Everything will be alright, Autumn. Daddy will be safe.

No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon