27

1K 52 0
                                    

* W I N T E R *



Nagulat ako ng biglang umiyak si Summer. Nakangiti naman syang nakatingin sakim habang kumakanta ko pero habang tumatagal parang lumalalalim yung iniisip nya at unti-unting nawawala yung ngiti nya at ayun umiyak na lang sya.



Habang nagdadrive ako ay 'di ko maiwasang tignan sya. 'Di ko alam kung anong nararamdaman nya. Nahihirapan ba sya, may masakit ba sa kanya, nasasaktan ba sya. Hindi ko alam. Ang alam ko lang nag-aalala ko at gusto kong malaman kung bakit sya umiiyak.



Lahat ng sinabi ko sa kanya totoo. Magbabago na ko. Simula ngayon, aalagaan ko na siya, sila, sila ng anak ko. Tama na yung dalawang buwan na nahirapan si Summer na pakisamahan ako. Babawi ako. Magbabago na ko at aalagaan ko na sila.



Pagdating namin sa bahay ay hindi ko na sya muna ginising. Dinala ko sya sa kwarto at inihiga sa kama. Dito na sya matutulog at ako na dun sa sofa. Tulad ng sinabi ni Doc kailangan komportable sya.

 

Tinanggal ko yung sapatos nya at nilagyan sya ng kumot. Nagbihis muna ko bago ko bumaba sa kotse para kunin yung mga pinamili namin. Iniwan ko yung mga pagkain, gamit at gatas sa kusina yung mga damit naman ni Summer na binili ko ay iniakyat ko na.



'Di pa sya kumakain ng dinner, so I decided to cook for us. Wala pa nga rin pala si Lola. As usual out of town. Nagbabakasyon. After I cook, umakyat ulit ako at ginising si Summer.



"Summer... wake up. Let's eat first."



"Hmm? O-okay." Tinulungan ko syang tumayo. I told her to change her clothes first bago bumaba. Hinanda ko na yung kainan namin. Pagtapos ko ay saktong bumaba na rin sya. She's wearing her new pajamas. She looks so pretty with it and the way she put her hair up makes her prettier.



"Kain na" she smile and nod saka sya umupo. 'Di ko na tatanungin kung anong nangyare sakanya kanina. Looks like she doesn't want to talk about it.



"Winter, kelan nga pala uwi ni Lola?"



"She texted me, sabi nya bukas daw or sa isang araw. 'Di pa daw sya sure dahil nageenjoy pa daw sya dun."



"Hahaha. San ba sya nagvacation?"



"Sa New Zealand. She said, next time daw kailangan kasama na daw nya tayong pumunta dun. Ay tapos ka na kumain?" 



"Yeah. Ako magliligpit--"



"No. Just sit back. Ako na. Wait lang." Tumayo ako at nilagyan ng tubig yung baso nya. Kinuha ko na rin yung mga vitamins nya. "Inom ka na baka makalimutan mo. After nyan, inom ka na ng gatas then tulog ka na ha? Wait, timplahan kita."



"Ako n--"



"Summer, please. Just let me. Babawi nga ako 'diba? Drink your vitamins na." Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa kitchen counter saka dun nagtimpla ng gatas nya. After kong magtimpla ay niyaya ko na sya sa taas.



"From now on, you'll sleep on the bed okay? Here's your milk." Saka ko iniabot yung baso sa kanya.



"H-ha? W-wag na. Dito na lang ako sa sofa."



"Hindi ka naman comfortable jan eh. Dun ka na. Ako na dito sa sofa."



"P-pero..."



"No buts! Drink it na. Lalamig yan." She pout and nod. She's really cute whenever she does that. Hahaha.



I just watch her drink her milk. After she drink it all ay pumunta sya sa cr. Iniayos ko na yung kama. Nang lumabas na sya, sinabihan ko na syang humiga na sya saka ako naman ang pumasok sa cr para maghilamos at toothbrush. 



No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon