Nalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras!
Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards.
(/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')
He's looking at me at halatang gulat din siya. Ramdam kong basa na ang gilid ng mata ko.
"H-Helen... that guy... s-siya yung lumabas sa kwartong pinaglabas mo that day, right---" Hindi ko na pinatapos pa magsalita si Ash at tumakbo na ako palabas ng meeting hall. Tumakbo ko nang tumakbo. Wala na kong pake kung may makakita sakin at isipin na baliw ako.
Basta ang alam ko... hindi ko siya kayang makita.
Hindi ko na namalayan na nakarating na pala ko sa park. Nice... ganito kalayo ang natakbo ko. Pagod na pagod na yung paa ko pero yung mata ko hindi pa rin pagod sa pag-iyak. Stupid me. Sigurado bukas na bukas papagalitan na naman ako.
Bakit ba kase ako nagwalk out? Bakit ba hindi ko muna inisip yung mangyayare sakin bago ko ginawa yun? Hahaha. Ah. Oo nga pala, kase di ko maatim tignan ang lalakeng kumuha ng virginity ko ay ang bago kong boss na ang ibig sabihin ay makikita ko araw araw. Grabe ang saya.
"Ice cream?" Nagulat ako ng may biglang sumulpot na ice cream sa harap ko. Pinunasan ko yung luha ko at iniangat ang ulo ko. Isang lalaking may malaking ngiti ang bumungad sakin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"S-sino k---?"
"Secret!"
"Ha?"
"Ikaw si Summer Helen Cho, diba? 22 years old. Marketing Accountant. Graduate sa University of the Philippines."
"O-opo... P-paano mo po nalaman? S-stalker ka po ba?" Wait... Hindi naman sya mukang ganun eh. Mukha nga syang mabait eh. Ang refreshing ng ngiti niya p-pero... paano nya nalaman lahat ng yun?
Natawa naman ako ng bigla syang nagpout. Oo, as in ngumuso siya na parang bata. Haha. "Stalker? Psh! Hindi ako stalker! Gwapong Admirer mo ko!" Lalo kong natawa sa pagsasalita nya. Ano ba yan. Kanina iiyak iyak ngayon tatawa tawa. Para kang baliw Summer!
"Ayan. Tumawa ka na rin. Here. Ice cream. It will help you to feel okay. Oh, kunin mo na. Don't worry walang lason yan. You're safe with me." Nginitian ko sya at saka kinuha yung ice cream.
"T-Thank you po." Umurong ako ng konti "Upo ka po."
Nagnod sya saka umupo sa tabi ko. "Drop the 'po' nagmumukha akong matanda eh!" Ayan na naman siya sa pagnguso niya. Haha. Ang cute niya.
"S-sorry. O-okay, I'll try." Nagsmile siya sakin at saka kinain ulit yung ice cream nya.
"Mr. Gwapong Admirer. Alam mo rin ba kung bakit ako umiiyak kanina?"
"Oo. Kung sasabihin mo sakin."
"Ang gulo mo..."
"Haha! Syempre malalaman ko lang yun kung sasabihin mo sakin. 'Di naman ako manghuhula 'no!"
"Haha. Oo nga 'no. Sorry."
"Okay lang... Pero... Alam mo pwede kang mag-open sakin! Mas magandang magopen sa strangers~ lalo na sa gwapong stranger na kamukha ko." Sabi niya habang nakangiti ng malaki. How can someone be this refreshing?
"You know what. You're a stranger but I feel comfortable with you. Ang weird no? Hahaha." Tinignan ko yung ice cream na unti unting nalulusaw sa cup nito. "To be honest, ngayon parang gusto ko na lang matunaw tulad ng ice cream na 'to." Nakita ko sa peripheral view ko na napatingin sya sakin.
"Gusto ko na lang mawala na parang bula. It's almost a month na simula nang mangyare yun pero hanggang ngayon sariwang sariwa pa rin yung sakit. At lalong lalo na ngayon na araw araw ko na syang makikita. Araw araw babalik sakin yung nangyare ng gabing yu---" Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla nya kong hilain at niyakap.
"Stop. Please stop." Ewan ko ba pero nakaramdam ako ng galit sa boses nya at the same time... care.