* S U M M E R *
"Hmp---" Napatayo ako agad ng maramdaman kong nasusuka ko. Tumakbo ako sa cr at pumunta sa toilet at dun sumuka nang sumuka.
Lahat ata ng laman ng tyan ko sinusuka ko na. I feel so dehydrated. Nanghihina na ko pero hindi pa rin ako tapos magsuka.
Nagulat ako ng biglang pumasok si Winter sa CR. Nakatingin lang sya sakin saka sya lumapit."D-did I wake you up? S-so--- ack!" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng nasuka na naman ako.
Naramdaman kong hinahagod ni Winter yung likod ko. "What's happening to you? Gusto mong dalin na kita sa ospital?"
"A-ayoko."
"Namumutla ka na oh. I'll bring you t---"
"A-ayoko please..."
"Tsk!" Nakita kong kumuha sya ng tissue saka pinunasan yung bibig ko. Nahawi ko bigla yung kamay nya nang maramdaman kong nasusuka na naman ako. Naglean ako sa toilet saka nagsuka ulit. Nanghihina na ko. A-ayoko na..
* W I N T E R *
Nagising ako bigla ng marinig kong sumasuka sya. Agad naman akong tumakbo and there, I saw her lying on the floor while leaning on the toilet and vomiting.
Ba't ba kase ayaw nyang magpadala sa ospital!? She looks so pale! Kumuha ko ng tissue using my free hand saka ko pinunasan yung pawis nya. She's sweating alot. Damn what's happening!
Sumandal sya sa wall. Maputla na nga sya namutla pa sya ng lalo! Kumuha ulit ako ng tissue at pinunasan yung bibig nya. Kinuha ko yung ulo nya at sinandal sa dibdib ko. "Nasusuka ka pa?" She nod saka ako hinawi.
Naawa ko sa kanya. Why can't I do anything for her! Fuck! Nanghihina na sya I can see it. Sobrang nanlalambot na rin sya. Pinunasan ko yung bibig nya saka ko sya kinarga at dinala sa kama.
She fainted. Sobra na syang nagpapawis. I'm about to call Manang Lucy ng maalala kong day-off pala lahat ng maids ngayon and Lola isn't here too! Oh shit!
Kumuha ko ng basil at nilagyan yun ng tubig. Kumuha na din ako ng face towel saka ko bumalik ng kwarto. She's still unconscious.
Pinunasan ko yung mukha nyang basa ng pawis. Pati na rin yung buhok nya nasukahan nya. Tsk! May suka din yung damit nya. Damn. Does it mean I-I h-have to c-change her c-clothes!? No! Hindi pwede!

BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')