* S U M M E R *
"Babe--- I mean, Winter, inom ka na ng gamot mo."
"Lumabas ka nga dito."
"Lalabas ako pag nakainom ka na. Please?" Inis siyang tumingin sakin. Napaatras naman ako nang bigla siyang tumayo.
"I said get out. Anong mahirap intindihin dun?"
"Uminom ka mun---"
"LABAS!" Napatungo ako sa sigaw niya. Tulad ng lagi kong ginagawa ay huminga ako ng malalim saka ko siya binigyan ng isang ngiti.
"Lalabas na ko. Please drink your meds. Good night." Hindi ko na inantay pa ang sagot niya dahil alam kong wala naman. Lumabas ako ng kwarto niya at pumunta sa kwarto ko.
Oo, hiwalay na kami ng kwarto. Ayaw ko man pero kailangan. Bawal siyang mastress kaya pinagbibigyan ko lahat ng gusto niya. Ayoko na rin namang makadagdag sa hirap na nararanasan niya ngayon.
Pinunasan ko ang luha kong walang sawa sa pagtulo. Like seriously? Kelan kayo mapapagod? Every night, tumutulo kayo. Hindi ba kayo nauubos?
It's been a month since the accident and yet, there's no progress in reviving his memories. Ni katiting wala. He refuse to have a thereapy. Ang tanging gamot nainiinom niya ay para lang sa sakit ng ulo niya the rest, ayaw niyang inumin. He also refuse to go on a check up. Buong pamilya na ata ang nagpilit sakaniya pero wala.
It feels like... he doesn't even want to revive his memory anymore.
Pero hindi ako susuko. Hinding hindi ako susuko para sa pamilya ko. Para sa anak, para kay Autumn at para kay Winter. Hinding hindi kahit sobrang sakit na.
---
Bumaba ako ng elevator nang makarating ako sa floor kung nasaan ang office ni Winter. Napansin kong wala si Lovely sa table niya kaya dumaretso na ako ng katok sa pinto ng office ni Winter saka ako pumasok.
Para akong sinaksak sa nakita ko. They're both hurrying up to wear their clothes properly at hindi ako tanga para hindi malaman ang ginawa nila.
"S-sorry. Nakaistorbo ba ko?"
"Tsk! Next time, wag kang papasok sa office ko basta basta. Naiindintihan mo?" Tumango at nginitian siya.
Inilapag ko ang dala ko sa lamesa niya. "What the hell is that?"
"Your lunch."
"Am I a kid? Itapon mo yan. You're grossing the hell of me." Napangiti ako ng mapait, dati ayaw mo pa ishare ang luto ko..?
"S-sayang naman kung itatapon ko. Ibibigay ko na lang sa iba."
"I don't care, ilayo mo lang yan sa office ko."

BINABASA MO ANG
No Love, Just Hate
FanfictionNalasing. Nagmilagro. Nabuntis. Ayun, nakasal nang wala sa oras! Ating subaybayan ang kwento ni Summer Fernandez at Winter Richards. (/inspired by the Korean Drama 'Fated To Love You')