46

1K 36 0
                                    

* S U M M E R *



"CR lang ako." paalam ko sa kanila. Tumayo ako at nagpunta ng cr. Actually na-o-OP ako sa kanila. Those 3 love birds are really sweet kahit sila Phenelope at Gab ay puro away, sweet pa rin sila. Hay. Ba't ba kasi ang tagal ni Winter.



Pumasok ako sa isa sa cubicle para umihi. After kong gawin yun at lalabas na sana ko pero may narinig ako sa labas.



"No. Nabuntis lang sya. Ang totoong girlfriend nun yung model, si Samantha Mendoza! Alam mo ba ikakasal na nga dapat yung dalawang yun eh kaso nga umextra 'to ayun nasira!"



"Talaga? Grabe naman. Alam nung model na nakabuntis yung boyfriend nya?"



"Hindi daw! Grabe nakakaawa si Samantha! Ang landi kase nung babaeng yun eh! Nakakainis din yung lalake! Nagpalande naman! Tsk! Manloloko din! 'Di na nakuntento sa isa! Tara na nga ako naiinis sa mga malalanding yun eh!" I honestly want to cry right now. Kanina pinipigilan ko lang maiyak kase maraming tao. Ayoko naman ipahiya si Winter dahil sa pagiging iyakin ko pero ngayon, parang gusto nang lumabas ng mga luha ko.



Alam ko wala akong karapatang masaktan dahil totoo naman lahat ng sinabi nila eh. Pero tao rin naman ako 'no.



Agad kong kinuha yung panyo ko sa bag ng maramdaman kong tutulo na yung luha ko. I shouldn't come here. Alam ko nang mangyayare to eh. Expected na 'to. Dapat 'di na ko sumama.



I stayed there for 10 minutes. Ikinalma ko muna yung sarili ko. Nag-ayos na muna ko ng sarili ko bago ako lumabas ng CR at bumalik dun sa table. "Why did you t--- did you cry?" Tanong sakin ni Adrian ng makaupo ako.



"H-hindi. Okay lang ako. Madami kaseng tao sa CR eh kaya natagalan ako." nakatungong sabi ko.



"Ganun. Sige, oh kumain ka na."



"Hindi Adrian okay lang. I can manage." sabi ko. "Asan nga pala sila Phenelope?"



"Kasama ni Winter."



"Ah nandito na si Winter?"



"Yeah hinahanap ka nga nya eh-- oh ayan na pala." tinignan ko yung tinuro ni Adrian at nakita ko si Winter na nakakunot na naman yung noo.



"Hey."



No Love, Just HateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon