Chapter 5

380 9 0
                                    

•Ignore the mistake

Taehyung POV

Nasa dorm na ako at ako lang mag isa dito. Umalis kasi si jimin para sa part time job nya. At ipapasok na din ako ni jimin sabi nya. Sinasama na nya nga ako kaso baka kako hindi ako tanggapin kaya mas mabuting hindi muna ako sumama.

At isa pa hindi pa din nawawala sa isip ko yung eksena sa classroom. Para akong sinasaksak sa dibdib tuwing naalala ko yun.

Bakit ba ganto nararamdaman ko eh diba dapat hindi ako maapektuhan? Dapat hinayaan ko lang yun at hindi na isipin pa, pero bakit ganto? Nasasaktan ako.

Hindi ko na nga napigilan pa ang lumuha kaya bumaluktot ako sa kinahihigaan at niyakap ang mga tuhod ko habang umiiyak.

Ang sakit sakit...

Hinayaan ko ang mga mata kong mapagod hanggang dalawin ako ng antok.

"Mama, Papa?"usal ko habang nakatingin sa magulang kong nakaupo sa magkabilang sofa.

"Taehyung my son, you finally here"umiiyak na usal ni mama.

"Bakit ka umiiyak mama? Ano bang nangyayari papa?"

"We divorce Taehyung"natigil ako ng banggitin ni papa yun.

"Mama? Totoo ba yung sinasabi-"

"Yes son. We divorce"

"But why? I thought you love each other so much-"

"Your papa have a new family, nabuntis nya babae nya" umiiyak na usal ni mama.

Para akong nabingi sa mga naririnig ko.

"At iiwan nya tayo dahil doon?"tanong ko.

"Oo dahil mas mahal nya yung babae nya kesa sa atin"

"Papa, akala ko ba kami lang ni mama? Bakit kailangan mag kaganito pa?"naiiyak kong usal.

"Anak, mahal ko kayo ng mama mo pero-"

"Dahil mas mahal mo yung babae mo, tumigil kana, lumayas ka na dito. Hindi ka nanamin kailangan"galit na usal ni mama.

Akala ko ay lalapit si papa saamin at mag sosorry pero tumayo siya para tumalikod na saamin at lumabas ng pinto.

"M-Ma"niyakap nya naman ako.

"Shh.. nandito pa ako anak ko. Kakayanin natin to."

"Pero ma-"

"Taehyung! Taehyung wake up."

Napadilat ako ng may yumuyugyog sakin.

Bumungad sakin ang muka ni jimin na puno ng pag aalala.

"Nananaginip ka"usal nya.

Napaupo naman ako sa kama ko at inabutan naman nya ako ng tubig na syang ininom ko.

Bigla ay napahikbi ako at hindi na pigilan ang sariling yumakap kay jimin.

Hinihimas nya naman ang likod ko habang nakayakap ako.

"What happened?"nag aalala niyang saad.

"Mama at papa divorce"usal ko lang habang humihikbi.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mapagkakatiwalaan ko si jimin.

"Sshhh... it's okay... you'll be okay..."pag kasabi nya nun ay humigpit ang yakap ko sakanya.

Maya maya pa ay kumanta sya at humiga naman kaming parehas habang ako ay nakayakap sakanya.

Kumalma ako ng ilang saglit bago mapahikab at nagpadala sa boses ni jimin kaya unti unti akong inaantok ulit.

OBSESSED | 𝘃𝗸𝗼𝗼𝗸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon