Chapter 17

267 7 0
                                    

•Ignore the mistake

Taehyung POV

"Hey you okay?"nagitla ako ng may humawak sa balikat ko.

Napatingin ako kay jungkook na nasa tabi ko. Nandito na kami sa kwarto nya at mag papahinga. Kakatapos lang din naming mag dinner.

"Ah yeah.. I'm fine"pilit na ngiti ang aking binigay sakanya.

"Iniisip mo nanaman ba mama mo?"tanong nya.

Kahit na hindi si mama ang aking iniisip ay tumango na lang ako.

Sa totoo lang ay siya ang iniisip ko. Iniisip ko kung paano ko siya mapapalayo sakin. Paano ko siya kakausapin na lumayo na sakin dahil parang mali ang pag-oo ko sakanya na maging magkaibigan kami.

Nakagat ko ang labi ko sa isiping yun at hindi naiwasang tumingin sakanya. Ngayon ay magkatitigan na kami at kita ko sa mata nya ang saya.

Tinitigan ko ang muka nya na puno ng saya. Kita ko ang nunal nya na nasa bandang baba ng labi nya at sa may ilong nya. Inikot ko ang paningin ko sa muka nya na para gusto kong nasa isip ko lagi ang itsura nya.

"Jungkook..."naiusal ko.

"Yeah?.."

"What if i say stay away from me? What will you do?"wala sa katinuang usal ko.

Nadiin ang pagkagat ko sa labi ko dahil doon.

"I don't know. I think I will be crazy about that. Thinking why you say that word."walang emosyon nyang ani."i know you are tired kaya nasasabi mo yan. matulog na lang tayo"sabi nya at humiga na pero ang likod nya na ang kaharap ko ngayon.

Nasaktan ko ba sya?

Bumuntong hininga na lang ako at saka humiga na rin. Nakaharap ako sa likod nya at hinayaan ang sariling tumitig sakanya hanggang sa antukin ako.

-

"MR. KIM!" Napatayo ako ng may sumigaw ng pangalan ko.

Kita ko ang prof na nasa harapan ko pulang pula na ang muka dahil sa galit.

"P-Prof-"

"GET OUT!!!"nagitla pa ako ng sumigaw siya.

Wala akong nagawa kung hindi pumikit ng mariin bago lumabas ng classroom.

F*ck!

Hindi ako lumingon kila jimin na alam kong naaawa sakin. Deretso lang ang paglabas ko at ng makalabas ay nagtatatakbo ako patungo sa lugar na walang tao.

Nang makarating sa rooftop ng dorm namin ay saka ako napaupo sa isang gilid at doon pinakawalan ang mga luhang kanina pa gustong lumabas.

Nakalipas ang araw simula nung pumunta kami kila Jungkook at hanggang ngayon ay iniisip ko kung paano ko siya papalayuin na hindi siya sinasaktan. Pero alam kong malabong hindi siya masaktan.

Inisip ko kung bakit ko pa pinayagan na maging magkaibigan pa kami?

Kung bakit kailangan humantong ang lahat sa ganito?

Bakit kailangan ako yung nasasaktan?

Bakit ako?

Ano ba naging kasalanan ko para saktan ako ng ganito?

Gusto ko na matapos lahat ng iniisip ko at ang iisipin ko na lang ay ang kasiyahan ko.

Iniiyak ko lahat ng sakit na nararamdaman ko hanggang sa may naramdaman akong may umupo sa gilid ko.

"Why are you crying?"kita ko ang pagkunot ng noo niya.

Pinunasan ko ang mga luhang pumapatak sakin. At saka umiling bilang sagot sa tanong nya.

OBSESSED | 𝘃𝗸𝗼𝗼𝗸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon