•Ignore the mistake
Taehyung POV
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil kay jimin na nag mamadaling magbihis.
Yung maririnig ko talaga ang mga kaluskos nya at paggalaw nya sa mga bagay bagay. Pero tinakpan ko na lang ang tenga ko ng unan at hindi siya pinansin.
Pero saglit lang nun ay naligo na lang rin ako nung marinig kong nakaalis na sya.
Pakiramdam ko ay may mangyayaring hindi maganda...ang sama ng pakiramdam ko at parang ang ulo ko ay sasabog dahil sa sakit.
Dapat pala ay hindi na lang ako naligo..ang sakit talaga ng ulo ko.
Nang matapos ay nagbihis na ako at nag handa para umalis.
Betlog: good morning love
Nangunot noo ko dahil parang mas lalong sumakit ulo ko dahil sa nabasa ko.
Me: morning, wag ngayon pwede?
Betlog: why?
Me: wag moko umpisahan betlog, masakit ulo ko
Pagkatapos nun ay binulsa ko na cellphone ko at nagpatuloy sa paglalakad.
Matapos ang kahapon ay hindi namin natapos ang project na ginagawa namin dahil nag kaaway away sila jin hyung at jungkook sa pagpili ng kanta. Ako naman ay hindi na nakialam pa sakanila dahil laman ng isip ko ay ang video na pinakita sakin.
Naglalakad na ako sa may hallway ng dorm ng magsitakbuhan lahat ng istudyante na papasok sa classroom.
Nagtatakbuhan silang lahat palabas ng dorminatory at hindi ko alam kung bakit.
Kaya naman sumunod ako sa kanila hanggang sa makarating kami sa gymnasium.
Nasa loob na ako at lahat kami ay siksikan sa loob.
Sa harapan ay makikita mo sa stage na may tatlong babae at kung hindi ako nag kakamali ay mga kaibigan sila ni fritzy.
Nandoon silang tatlo habang ang projector ay nakabuhay. Naguguluhan ako pero parang unti unting guguho ang mundo ko dahil nakita ko sa harapan ang video na pinakita sakin.
Nangingilid ang luha ko at pasimple ko itong pinunasan.
"So nandito na ba ang lahat? Gusto ko lang naman na ipakita sa inyo kung gaano kalandi ang isang queen taetae nyo!"ani olive na syang isa sa kaibigan ni fritzy.
"Taehyung, Taehyung, Taehyung, kung nanonood ka man ngayon, panoodin mo ang kalandian na ginawa mo..masyado kang malandi, dikit ka ng dikit kay jungkook na wala na man gusto na sayo! Dahil sayo muntikan ng magpakamatay si amira! Dahil sayo napaalis sila amira at fritzy! Ngayon panoodin mo ang ginawa mong kalandian!"sigaw pa ni olive.
At nasisiguro kong mababaliw ako kapag napanood ko pa ang video nayun.
Hindi ko alam pero may mga prof na nasa harapan at parang walang pakelam sa ginagawa ng tatlo. Bakit hindi nila pigilan sila?
Nag play ang video at para akong istatwa na hindi makakilos sa pwesto ko.
Bakit ba sila ganto sakin?
Bakit ganun na lang ang galit nila sakin?
Wala naman akong ginagawang masama ah..
Napakuyom ako ng kamay at hindi ko na alam ang ginagawa ko pa.
"Stop that fcking video!"sigaw ko na ikinatingin ng lahat sakin.
"Oh look who's here! Napanood mo ba-"
"Hindi ako yan!"ani ko.
"Ikaw yan, hindi bat wala ka nung isang araw?"
"Nung isang araw? Nauulol ka ba? Kung mag tatanong ka sa mga kaibigan ko kasama nila ako, kung gagawa ka lang naman ng kwento mo at paninira sakin mabuti pang sumama ka na lang na umalis kila fritzy! Kasi wala kanaman pruweba na ako yan"walang emosyon na ani ko.
BINABASA MO ANG
OBSESSED | 𝘃𝗸𝗼𝗼𝗸
Fiksi Penggemar"𝑫𝒐𝒏'𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒎𝒆?" Tagalog Taekook story 𝐭𝐨𝐩 𝐠𝐠𝐮𝐤;𝐛𝐨𝐭𝐭𝐨𝐦 𝐭𝐚𝐞