Chapter 37

234 6 1
                                    

•Ignore the mistake

Taehyung POV

"Ma, k-kamusta ka na?"nakagat ko labi ko ng maramdaman ko pangingilid ng luha ko.

Sa totoo lang matapos ang mga pangyayari ay nagpapasalamat ako at nadala si mama sa hospital. Sa Psychiatric hospitals kami kung saan dinadala ang mga taong may problema sa pag iisip katulad ni mama.

Nang malaman kong totoo nga sinasabi nila papa ay grabe ang iyak ko pero alam ko sa sarili kong matatanggap ko din yon.

At ngayon ay dinadalaw ko si mama sa hospital na ito dahil miss na miss ko na sya. Kahit naman sinaktan ako ni mama ng ganun ay hinding hindi mawawala ang pagmamahal ko sakanya.

"Sino ka? At bakit tinatawag mo kong mama? HAHAHA mag joke ka na lang sa iba iho. Dikita kilala HAHAHA"

Nasaktan man ako sa sinabi ni mama ay pinili ko parin na intindihin ang sitwasyon nya. Sabi ng doctor ay mag kakaganyan si mama at unting unting makakalimot dahil sa gamot na iniinom nya.

Pero maalala pa rin ako ni mama kapag kagaling galing nya. Sabi naman ng doctor ay posibleng gumaling si mama at maalala ako ng buo. Hindi ngayon pero alam ko maalala ako ni mama pag galing nya.

"Ahm, mama alam kong di mo ko naaalala pero, ako din yung lalaking dumalaw sa iyo nung isang araw. Alam mo ma, mataas taas na grades ko. Marami na din akong kaibigan na nakilala mama-"

"Sino kaba? HAHA tinatawag moko mama?"natatawang ani mama pero ngumiti na lang ako sakanya.

"Saka mama may dinala pala akong cake sayo, birthday ni papa kahapon kaya naisipan kitang dalhan nito oh. Tikman mo ma-"agad akong natigil ng ibato sakin ni mama ang pinaglalagyan ng cake.

Tumama sa nuo ko ito pero dinaing ko na lang at hinarap si mama.

"Oh my ghad, I'm sorry. Ikaw kase eh, ayaw pa umalis HAHA. Umalis kana kung ayaw-"

"I'm sorry sir but the patient need to go"ani ng isang nurse.

"Let's go ma'am"dalawang nurse ang umakay mama na masama ang tingin sakin kaya wala ako nagawa ng makaalis si mama ay iniligpit ko na rin ang dala ko at umalis.

Mag isa ako ngayon habang nag lalakad sa gilid ng kalsada. Pero lagi naman eh, lagi akong pumupunta kay mama para kamustahin sya at kahit na pinag tatabuyan ako ni mama at tinatawanan ay hinahayaan ko lang sya pero minsan susobra si mama dahil kapag may dinadala akong makakain sakanya ay binabato lang nya sakin.

Pero hindi ako nagagalit sakanya. Alam ko sitwasyon nya at siguradong napakahirap nun para sakanya.

Mahal ko si mama at hindi ko hahayaan ang sarili kong magalit sakanya.

Nasa bus station na ako at nag aantay na may mag daan na bus kaso biglang umulan.

Haisstt...ano ba yan...kung kelan pauwi na saka pa umulan aissshh.

Sumilong muna ako sa may bus station at umupo sa gilid nito at nag antay na may bus na dumaan.

Pero ilang oras na ako nag antay pero walang bus na huminto sa tapat ko.

Kapag nakikita ko naman na may bus na dadaan ay tatayo na ako kaso dinadaanan lang ako ng bus dahil sa puno ang pasahero nito.

Kaya wala ako nagawa at nag antay na lang. At dahil nga nag aapura na ako ay kinuha ko selpon ko sa bag at tinawagan ang numero ng isa kong kaibigan.

"Hello! Napatawag ka ata babe?"ani bambam.

"Lol! Sunduin mo ko dito sa may bus station malapit sa hospital. Umuulam eh, tapos walang bus na masakyan"saad ko.

OBSESSED | 𝘃𝗸𝗼𝗼𝗸Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon