•Ignore the mistake
Taehyung POV
Naalipungatan ako ng may maramdaman akong humihimas sa may noo ko. Nangunot pa ang noo ko bago ako dahan dahang dumilat.
Pero nagulat ako ng bumungad sakin ang kanyang muka. Hindi ko inaasahang siya ang bubungad sakin paggising ko.
"You okay?"mahinahon niyang tanong.
Hindi ako nag salita o tumango man lang para sabihing ayos lang ako. Pero napaiyak na lang ako bigla sa hindi malamang kadahilanan.
"Hey shh, is your body hurt?"
Hindi ako sumagot at napatakip na Lang sa muka ko dahil sa kakahiyan na ginagawa sa harapan nya.
Nakakahiya dahil umiiyak ako sa harapan nya at di ko alam kung bakit..basta ang alam ko lang ay napakasaya ko dahil nandito sya sa harapan ko habang mahinahon nya akong kinakamusta.
Naalala ko kung paano ako mahilo sa loob ng cr dahil sa kagagawan na ginawa nila fritzy at amira.
Ang huling naaalala ko nakaupo ako sa bowl habang nakasandal sa gilid ng cubicle at hilong hilo ako habang hawak ko ang tuhod ko.
Nag susumigaw na din kasi ako nung time na yun at dahil siguro sa pagod kong magakakalampag doon at kakasigaw napagod ako at nahilo na din dahil walang hangin na pumapasok sa loob.
"Ayos ka lang ba? Masakit ba yung tuhod mo? Yung kamay mong maypasa?"nag aalalang tanong nya na lalo pa atang nagpaiyak sakin.
Naalala ko yung mga panahon na ganyan na ganyan ang pag aalala nya tuwing may nangyayareng masama sakin o kaya may sakit ako.
"A-Ayos lang ako"hikbi ko at pinunasanan ang mga luha ko."sorry, umiyak pa a-ako sa harapan m-mo"saad ko ng matapo sa pagpunas.
"It's nothing, may masakit ba sayo? Bakit ka umiyak?"tanong nya.
Nakagat ko labi ko at umiwas ng tingin.
"Ayos nga lang ako, saka wala yung pag iyak na yun"saad ko.
"Tell me"ani nya.
Napadiin ako sa pagkagat sa labi ko dahil doon, ayaw kong sabihin dahil alam ko namang may girlfriend na sya at ayaw kong sirain pa kung anong meron sakanila.
Tumingin na lang ako sa gilid ko, diko alam pero hinahanap ko si jimin dahil mukang kaming dalawa lang ang nandito sa dorm namin ni jimin..
At bakit sya nandito..
"Na-Nasan nga pala si jimin, bakit ikaw-"
"Tell me teytey"
Napatingin ako sakanya ng banggitin nya yung nickname na yun..at sa pagtingin ko sakanya, nanlambot ako at hindi ko inaasahang bubuka ang bibig ko dahil lang sa mga titig nya sakin.
"Cuz you are here"mahinang usal ko at hindi parin makapaniwala na sinabi ko yun sakanya.
Kita ko ang pag kurba ng ngisi sa mga labi nya at hindi inaasahang hahawakan nya ang kamay ko.
"Cuz I'm here? What do you mean?"ani nya
"Dahil ikaw talaga ang inaasahan kong bubungad sakin paggising ko bago ako matuluyang makatulog sa cr ikaw ang una at huli nanasa isipan ko"mahinang saad ko at hindi napigilang mapahikbi nanaman.
Ano bayan puro ako iyak eh wala din naman ako mapapala sa kakaiyak..
Katahimikan ang bumalot samin at niisa samin ay walang nag salita.
Ilang saglit pa nang maramdaman ko syang tumayo at sa pag tayo nya ay kasabay nun ang pagtalikod nya.
"Who did that to you?"napatingin ako sa kabuuan ng likod nya ng hindi ko inaasahang itatanong nya yun.
BINABASA MO ANG
OBSESSED | 𝘃𝗸𝗼𝗼𝗸
Fanfiction"𝑫𝒐𝒏'𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒎𝒆?" Tagalog Taekook story 𝐭𝐨𝐩 𝐠𝐠𝐮𝐤;𝐛𝐨𝐭𝐭𝐨𝐦 𝐭𝐚𝐞