•Ignore the mistake
Chapter 8
Taehyung POV
"Hayop ka!"bigla ay lumitaw si jackson at sinuntok si jungkook.
"Jackson!"
"Tangina mo, wag mong sasaktan kapatid ko kung hindi ako makakalaban mo gago!"sigaw ni jackson sakanya na nakaupo na sa sahig.
"Jackson t-tama na." Hawak ko braso nya habang pinipigilan siya.
Masama ang tingin ni jungkook sakanya habang tumatayo siya.
Akala ko ay wala siyang gagawin pero bigla na lang nyang sinuntok din si jackson.
"Jungkook!"
Nag aaway na sila at nag papalitan ng suntok at hindi ko alam kung paano aawat. Pero nakita ko kung paano mapuruhan si jungkook kaya agad kong pinigil si jackson.
"Tama na jackson"hawak ko sa mga braso nya.
"Tsk, tara na Taehyung, wag mo nang kakausapin yang gagong yan."
Napalunok ako ng sabihin nya yun. Parang dinudurog ang puso ko sa tuwing ganun ang naiisip kong gawin para lumayo sakanya. Pero siya itong lumalapit kaya hindi ko din mapigilan ang sarili.
Hila hila ako ni jackson at ako naman ay patingin tingin sa likod kung saan nakikita ko si jungkook na may sugat sa gilid ng labi.
Gusto ko sana siyang lapitan at gamutin katulad lang ng dati tuwing napapaaway siya. Pero hindi ko magagawa yun dahil alam kong mapapasama lang ako.
Nakapasok na kami sa classroom at kahit walang laman ang tiyan ay pumasok parin kami. Wala pa ang prof namin pero pinag tinginan kami ni jackson.
Inupo nya na lang ako sa upuan ko at siya ay umupo sa upuan nya.
Nag aalalang tinanong ako ni jimin at jennie pero sinagot ko lang ay mamaya ko na ikukwento.
Dumating na ang prof pero hindi pa dumadating si jungkook. Nagsisimula na ang prof ng may dumating na mga taga 3rd year college.
Ito yung sinasabi ng prof namin kanina na may dadating dito para pabunutin kami.
"So sino ang bubunot sainyo?"tanong ng prof.
"Si queen taetae po"sagot ni yinyin.
Wala akong nagawa at tumayo para bumunot. Nang makabunot ay hindi ko muna binuklat at sinabing mamayang uwian ko na sasabihin.
At iyon nga natapos na ang klase pero hindi ko nakitang pumasok si jungkook. Hindi ko na dapat siya iniisip pero hindi ko mapigilan lalo pa at alam ko kung ano ginagawa nya.
Nang makalabas ang last prof namin ay dali dali akong tumayo at pumunta sa harapan.
"Um okay guys, if this activity will go with us, then we lucky but if not then let's do our best to have more money."saad ko sa kanila na tumango tango lang. Kaya ng buklatin ko ang papel ay napakagat ako sa labi."okay, we aren't lucky I think."ngiwi ko.
"Ano ba yung activity na nabunot?"tanong nila.
"Um, magtitinda tayo ng pastillas at cheese. Hindi ko alam kung paano gagawin natin dito."usal ko.
"Aha! Alam ko na."usal ni criza, kaklase namin.
"Ano yun?"tanong ni jennie.
"Si ano si kitty marunong gumawa ng pastillas yan. Masarap pa nga eh!"saad ni criza.
"Oh meron naman palang gagawa eh, eh sa cheese? Anong gagawin natin doon?"tanong ko.
"Ahm, si lesher magaling mag isip ng pwedeng gawin sa cheese."usal ni yinyin na tinutukoy ay yung isa sa kaibigan nya.
BINABASA MO ANG
OBSESSED | 𝘃𝗸𝗼𝗼𝗸
Fiksi Penggemar"𝑫𝒐𝒏'𝒕 𝒚𝒐𝒖 𝒍𝒐𝒗𝒆 𝒎𝒆?" Tagalog Taekook story 𝐭𝐨𝐩 𝐠𝐠𝐮𝐤;𝐛𝐨𝐭𝐭𝐨𝐦 𝐭𝐚𝐞