5

2.4K 107 20
                                    

KABANATA 5




Nakatulala lang ako sa labas ng sliding door mula sa loob ng kwarto ko. Itinulak ko yun atsaka pinagmasdan ang marahang pagpatak ng ulan. Mabagal ito hanggang sa bumilis ang pagbagsak. Last day ko na kasi sa coffee station kahapon, noong una'y isang araw lamang yun dahil nakiusap sa Lolo hanggang sa naging isang linggo at nadagdagan pa ng ilan pang mga araw at sinabi rin ni Lolo na magpahinga na muna ako tutal andyan naman daw si Theo at Sarina. Nakatanggap din ako ng regalo kay Lolo kahit tapos na ang kaarawan ko. Kung nabubuhay lang sana si Lola, siguradong may malaking cake na naman ako tulad noong ika-labing walo kong kaarawan. Napahinga ako ng mariin bago pinagkrus ang mga bisig ko. Hanggang kailan ba ako ganito? Napapagod na ko sa buhay kong ito na laging nakadepende sa mga magulang ko, lalo na kay Daddy na parang s'ya na ata ang gumagawa ng kapalaran ko. Kahit pa hinahayaan nila ako sa mga gusto kong puntahan ay iyun naman ang kapalit ng pagiging maluwag nila sa akin, ang magdesisyon sa kung anong dapat kong gawin sa buhay ko na ikabubuti nila. Tulad ni Ate Deinna, halos sunod sunuran na din kila Daddy, at si Mommy... hay nako nakakapagod. Nakakapagod ang mga gustong mangyari ni Daddy. Gusto lang naman n'yang kunin ko ang The Coffee Station na hawak ngayon nila Tita Mara, ano bang masama dun? kapatid naman n'ya si Tita Mara. Sabi pa ni Dad, puntahan ko si Lolo at alu-aluin ko para maisip ni Lolo na karapat-dapat akong mamahala nun? Jusko, bente anyos lang ako, ano namang alam ko sa mga trabahong gaya ng kay Tita Mara? magtimpla ng kape o mag-serve, iyun lang alam ko. Ni humarap sa mga big meetings, wala akong idea eh. Sa mga ganitong isipin ay nakakalimutan ko si Miguel. Nakatanggap ako ng ilang text at misscalls sa kanya pero hindi na ako nag-abala pang makipag-usap pa, naiilang ako sa mga kinikilos n'ya noong pumunta ako sa bahay nila, tama pa ba ito? Lalo pa't sumasagi sa isip ko na, he's my brother in law kung sila na talaga ni ate Deinna hanggang dulo. Hindi ko naman maiwasang maisip na bakit hindi nalang ako? Napailing ako sa mga naiisip ko.









Bumaba ako para magtimpla ng kape, mukhang matatagalan bago tumigil ang ulan. Summer naman bakit kaya umuulan ng malakas? may bagyo na naman ba? Mag-isa na naman ako ngayon sa bahay at tanging si Nanay Belen lang ang kasama ko. Ano pa bang bago? gabi na naman uuwi si Kiel, summer kasi tapos sila Dad at Mom naman nasa Baguio. Bumisita sila sa farm nila Lolo at Lola 'don. Lagi naman nilang ginagawa yun tuwing summer. Nag-aalala kasi sila na baka maapektuhan ang ilang pananin pag ganitong tag-init. Pero hindi naman ako nababahala dahil talagang kakaiba ang klima doon kumpara sa Ilocos, nasa Ilocos kasi iyung plantasyong ng mais at tubo na pamilya naman ni Tito Fredo ang siyang namamahala, tatay ni Lucy.



"Yssah, aba kumain ka na ba?" Tanong ni Nanay Belen ng makita n'ya akong pababa ng hagdan.

"Magkakape lang po." Ngumiti naman ako.

"Si Kiel nagtext na ba sayo?" Tanong n'ya sa akin.

"Opo, kani-kanina. May binisita daw pong kaibigan..." tumuloy ako sa kusina at kumuha ng tasa.

"Dumaan pala si Miguel kanina..." aniya pa, napahinto ako sa paglalagay ng asukal.

"Bakit daw po?" Interesadong tanong ko.

"Dinaan n'ya iyong laptop ng Ate Deinna mo. Ika n'ya eh sabi raw ng Ate Deinna mo ay dalahin rito..." mahabang paliwanag n'ya.

"Po? Saan naman galing 'yung laptop?" Pagtataka ko.

"Ah sa condo ng ate mo." Sagot naman ni Nanay Belen.

Huh? Nakakapasok s'ya sa condo unit ni Ate? Hindi malabong baka nagsasama sila ni Ate 'dun? Bumilis bigla ang pagtibok ng puso ko. Ano ba naman itong mga pumapasok sa isip ko.

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon