KABANATA 3.5
"SHIT!" sigaw ko ng agawin ko ang kapirasong lemon sa kamay ni Sarina. Dali dali kong sinipsip yun para mawala ang pait sa dila ko, ganito pala ang lasa ng tequila.
"Ano, kaya pa?" siniko ako ni Toshka. Tumango lang ako pero ang totoo ay parang gusto ko ng masuka sa sobrang pait.
"SHOT!" sigaw ni Sarina habang kumekembot kembot pa. Mukhang may tama na itong si Sarina dahil sa tequila. Wala na siyang pakialam kahit pa nasa kabilang lamesa lang itong kuya Theo n'ya na abala din sa pagtungga ng beer.
"Ako naman! Ako naman!" sigaw ni Toshka at dali daling iniready ang lemon na sisipsipin n'ya. Itinaob muna ni Toshka ang basito sa asin bago sinalinan ni Sarina ng tequila ang basito. Inisang lag-ok lang yun ni Toshka at saka sinipsip ang lemon.
"Ahhh! Ang sarap ng guhit!" Sigaw naman nitong si Toshka. Kahit pa malakas ang musika ay rinig na rinig ko ang mga sigawan nila. Napatingala ako ng umikot ang paningin ko. Hindi ako pweding malasing. Isang minuto pa at birthday ko na, dapat lang na sabayan ko ang inuman dahil kahit pa si Jetro ang umarkela ng yate na ito, birthday ko parin ang ipinagdiriwang.
"Shot!" Sigaw ko rin na halos pumiyok na ang boses ko.
"Wow! Lumalaban ang lola mo!" Pangbubuska ni Toshka.
"Kaya pa ba?" Tanong agad ni Sarina.
"Kayang kaya ko pa!" Sigaw ko ulit. Tumayo ako at sinunggaban ang bote ng beer. Tinungga ko agad yun at pinunasan ang labi ko. Nakita kong nagsalin ulit ng tequila si Sarina, napangiwi ako. Shit, kaya ko pa ba talaga? Baka sa kangkungan ako pulitin nito.
"Alessa shot mo 'to!" Sabi ni Sarina atsaka tumingin sa table ng kuya Theo n'ya na tahimik lang at nakamasid sa mga ginagawa namin. Para kaming uhaw na uhaw sa alak. Sa daming beer na naubos at ilang bote ng tequila, talagang pagtitinginan kami.
"My gosh! Come on guys let's support Alessa, 30 seconds nalang 12AM na!" Sigaw ni Sarina.
Napatuwid ako sa pagkakatayo habang hawak hawak ang basito na may lamang tequila.
"29!"
"28!"
Halos hindi ko na marinig ang mga numerong iyun.
"5!"
"4!"
"3!"
"2!"
"ONE!"
"HAPPY BIRTHDAY ALESSA!" Nagising ang diwa ko ng magsigawan sila. Kaya't inisang lag-ok ko ang tequila ng walang lemon. Muling gumuhit ang pait sa lalamunan ko. Napalinga linga ako ng makaramdam ako ng matinding hilo.
"THANK YOU GUYS!" Sigaw ko kahit pa sa mga sandaling ito ay gusto ko ng matumba. Napahawak ako sa sentido ko. My goodness! What a wild midnight!
"Happy Birthday, Alessa. Forgive me..." napalingon ako sa nagsalita.
"Migs..." bulong ko. Tatayo na sana si Toshka ng senyasan ko s'ya ng "I'm okay" ang ibig sabihin. Okay naman talaga ako, hilong hilo lang at sa mga oras na ito ay sa sahig na ako pupulutin.
Napapitlag ako ng hatakin ni Miguel ang bewang ko. "Are you drunk?" Pagtataka n'ya.
"Tipsy?" Patanong kong sagot. Hindi ko alam kung lasing na ba talaga ako or may tama lang.
"You need water para mahulasan ka." Sabi ni Miguel pero wala ng akong maintindihan kaya't tumango nalang ako ng alalayan n'ya akong pumasok sa loob ng yate. May maliit na kitchen ito. May sofa bed din, may flat screen TV, wash room? Ahhh. Toilet? Whatever, basta nahihilo ako. Agad akong pinaupo ni Miguel sa sofa. Nakamasid lang ako habang nagsasalin ng malamig na tubig si Miguel sa isang baso. May mini frigde din kaya't talagang malamig nga ang tubig. Agad ko itong ininum dahil hanggang ngayon ay nalalasahan ko parin ang huling alak na ininum ko.
BINABASA MO ANG
Midnight Lover (Completed)
RomantizmMidnight Lover Alessa had a big secret. Five years ago she secretly admired her sister's boyfriend and the man seemed to be the same to her pero nagkamali siya sa pag-aakalang gusto rin siya nito. She walked away just to forget everything happened...