39

1.3K 59 12
                                    

KABANATA 39




Halos mapatingkayad na ako ng hapitin ni Miguel ang braso ko, mahigpit, masyadong masakit, "Hanggang kailan mo ito ililihim huh, Alessa?" Damang dama ko ang galit niya. Lumabas kami sa terrace at saka niya ini-lock iyon.




Ito ang bungad niya sa akin kinaumagahan. Doon siya natulog sa kwarto ko habang nakayakap si Hope buong magdamag kaya naman hindi na niya ako nakausap. Habang ako naman ay mag-isang natulog sa kwarto ni Lucy. Naalimpungatan din si Ate Maritez kagabi pero ang sabi niya ay hindi na siya lumabas dahil naririnig naman daw niya sa loob ng kwarto ang mga ganap sa labas. Kahit nga daw ungol ay narinig pa niya. Hindi ko nalang siya pinansin dahil hahaba lang ang usapan at siguradong maiinis lang ako sa pang aasar niya. Sobrang saya ko para sa anak ko kasi natupad na iyong pangako ko sa kanya na ipakikilala ko siya kay Miguel.




Pero malayong malayo sa inaasahan ko ang nangyayari.




Nanaig parin ang sakit dito sa puso ko. Parang gusto kong isumbat lahat sa kanya. Anong karapatan niyang ganituhin ako? Dahil ba alam na niyang siya ang ama ng anak ko? Well, you're wrong! Sinumpa ko na sa batong buhay na kung darating man ang araw na ito ay hinding hindi na niya ako masasaktan pa.




Winaksi ko ang kamay niya. Hindi ko alam kung saan nang gagaling ang lakas ng kalamnan ko upang mailayo ang katawan ko sa kanya, "Sana nga ay inilihim ko nalang, kase pakiramdam ko, ako iyong may kasalanan! Pinaparamdam mo na ako iyong mali!" Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang sakit. Pinigilan kong maiyak sa harap niya dahil wala rin namang saysay kung iiyak pa ako!




Tumawa siya bahagya, "Hindi ko alam na ganyan ka kasamang tao! Minahal kita, Alessa! Hinanap kita! Maraming beses kitang hinanap! Nagmakaawa ako kay Celine na kahit sandali lang... kahit masulyapan lang kita, kahit makumusta lang kita! Pero pinagtabuyan niya ako, para akong kriminal na basta nalang hinila hila ng mga gwardiya! Anong gusto mong gawin 'ko? Kulang nalang ay magpakamatay ako para magpakita ka, para maisip mo na balikan ako!"




Gustong bumigay ng mga tuhod ko sa sobrang takot at kaba, "Celine? Wa—wala akong alam sa mga sinasabi mo..." Ibig ba niyang sabihin ay nagkausap sila ni Lucy noon... Bakit niya kilala si Lucy?




"Nang malaman kong umalis ka ay hinanap kita. Halos mabaliw ako... Kahit anong pagpigil ni Deinna ay hinanap parin kita. Kahit ilan pang sapak kayang kaya kong tiisin makita lang kita. Ganoon kita kamahal, Alessa! Pero ano 'to? Bakit hindi mo manlang sinabing... buntis ka? Kaya kong talikuran lahat lahat para sayo, para sa anak natin, para kay Hope!" Gusto ng bumigay ng mga tuhod ko sa sobrang panghihina.




"Masyadong magaling magtago iyang pinsan mo, hindi ko manlang naisip na talagang tinatago ka niya dahil buntis ka! Stupid me, hindi ko naisip iyon..." Hindi ko na alam kung paano ko siya mapapakalma. Kahit anong lapit ko ay lumalayo siya. Sinubukan kong hawakan ang mga kamay niya pero tumingin lang siya sa malayo at marahang umatras.

Midnight Lover (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon